By JUN NARDO
Nakabibingi ang sigawan, hiyawan at palakpakan sa Cinema 3 ng SM Megamall nang magkaroon ng advance screening doon ang MMFF entry na “Espantaho” na produced ng Quantum Films at dinirek ni Chito Roño.
Matindi ang suspense na hatid ng movie na may kakaibang kuwento tungkol sa delubyong hatid ng espantaho na ang ibig sabihin ay scarecrow.
Ang movie ay nagsisilbing comeback vehicle ni Judy Ann Santos sa horror genre.
Reunion nila ito ni Chito, pati na si Lorna Tolentino.
Wala pa ring kupas magpaiyak ni Juday huh! Bawat bitaw niya ng dramatikong dayalog e, palakpakan ang manonod!
Gustung-gusto namin ang batuhan ng linya ng tatlong female leads – Chanda Romero, Juday at LT.
Walang pretensiyon ang movie na mapagka-artsy!
Simple ang mensahe na hatid nito.
Una na rito ang pagmamahal sa pamilya.
Pangalawa — money is the root of all evil.
Hindi kami kritiko. Gusto lang namin e ang maaliw habang nanonood ng movie. At ito mismo ang na-experience namin watching “Espantaho!”
Grandest!
Naganap ang Parade of Stars noong isang araw sa Maynila.
Kaugnay ito ng 50th Metro Manila Films Festival.
Mula sa spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer: “We are doing everything to give you, the biggest, the happiest and the most prestigious Metro Manila Film Festival we all deserve. After this, see you at the movies!”
“We are proud of the 10 entries in the 50th edition of the MMFF because they truly showcase exceptional quality and talents. Because of this, we are optimistic that moviegoers will flock to the cinemas to support all the entries and bring back the Philippine move industry to its old glory,” dagdag ng MMDA Chair na si Atty. Romando Artes.
Tangkilikin ang sampung entries sa MMFF 50 na mapapanood simula sa December 25!