HINDI lang pang-drama, pang-comedy pa si Jericho Rosales, ayon kay direk Marlon Rivera. Nagkatrabaho sila sa “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough” kung saan pinabilib ni Jericho si direk.
“Bagong komedyante si Jericho,” ani direk. “Napakagaling niyang artista. Sa mga eksena nila ni Eugene Domingo, parang tao kung tratuhin niya si Uge, kahit mukha itong poodle. Gumaganda sa paningin niya si Uge,” joke ni direk.
Sa ipinakitang trailer ng ABSST2 noong presscon, convincing ang pagganap ni Jericho na parang sobrang in love siya kay Eugene. Aliw ang dialogue ng komedyana na, “Ipapa-cremate kita” nang buong kadramahang sinabi ni Jericho na mamamatay siya kapag nawala sa kanya si Uge.
’Kaaliw ang trailer. Ano pa kaya ang buong pelikula? Ayon kay direk Marlon, 13 shooting days ang ABSST2 at sobrang saya sa set. Everybody was cooperative and supportive of each other.
Nang ilabas ang full trailer nito, milyon-milyon ang nag-like, views, and shares. Idagdag pa ang music video na “Forever is Not Enough,” sang by Jona.
Tampok din sa ABSST2 sina Joel Torre, Kean Cipriano, Khalil Ramos at Cai Cortez. Written by Chris Martinez.
Balik-ABS-CBN?
Dalawang Kapuso stars ang gagawa ng pelikula sa Star Cinema next year. Sina Gabby Concepcion at Ai-Ai de las Alas sa magkahiway na project.
Nai-post ni Sharon Cuneta sa social media na tuloy na ang reunion movie nila ni Gabby under ABS-CBN Film Productions at Star Cinema. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor at magsisimula ang shooting ng yet untitled movie sa January next year. Sa May ang tentative playdate.
Naipost naman ni Ai-Ai sa social media ang meeting niya sa Star Cinema bosses para sa isang pelikulang gagawin niya next year. Kasama niya sa meeting ang manager niyang si Boy Abunda.
Wala
Mukhang walang Christmas party for the press si Alden Richards. Inaabangan pa naman ’yun. Nagbigay na kasi siya ng P50,000 bilang raffle prize sa ginanap na Christmas party ng GMA para sa press.
Sobrang hectic kasi ang schedule ni Alden, kaya wala siyang time para maka-bonding ang press. ’Yung get-together niya with the press a few months ago ay natagalan dahil walang maibigay na schedule si Alden.
Sabi niya, bale advance Christmas party na niya ’yun para sa press. Anyway, pasalamat na rin ang press sa ipinadalang raffle prize ni Alden noong Christmas party ng GMA para sa press. At least, hindi pa rin siya nakalimot.