Dinakip ng police ang dalawang binatilyo matapos nilang barilin at mapatay ang isang lalaking nakasakay sa bisekleta sa Tondo, Manila, noong Martes ng gabi.
Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Joseph Medina, residente ng Tindalo Street in Tondo, Manila.
Namatay siya habang nilalapatan ng lunas sa Jose Abad Santos Memorial Medical Center dakong 10:30 p.m. Naaresto naman ang mga suspek na may edad 15 at 16 sa isang follow-up operation sa Bambang Street, ayon kay PO3 Roderick Magpale, investigator ng Manila Police District (MPD) homicide section. (Analou De Vera)