Hinigpitan ng Manila Police District ang seguridad sa 92 simbahan sa siyudad bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng devotees para kanilang Visita Iglesia sa Maundy Thursday.
“Thousands of devotees visit our churches here in the city during Holy Week and it is our responsibility not only to protect them but also to provide them with whatever assistance they need,” pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Matatagpuan sa Manila ang centuries-old, Spanish-era churches na puntahan ng libu-libong turista at devotees lalo na tuwing Visita Iglesia, isang kaugalian tuwing Holy Week kung saan ang mga mananampalataya ay bumibisita at nagdadasal sa pitong simbahan.
Ilan sa mga makasaysayang simbahan sa Manila ay ang 16th century-built St. Lorenzo Ruiz (Binondo) Church, Malate Church, San Sebastian Church, Quiapo Church, Manila Cathedral, San Agustin Church, Ermita Church, San Miguel Church, at Sto. Niño de Tondo Parish Church.
Tiniyak ni Manila tourism chief Solfia Arboladura na ligtas at payapa ang mga makasaysayang simbahan sa Manila. “Our police are more visible during these days.
I still believe na kung mayroon mang mga petty incidents, petty na lang talaga ‘yun,” sabi ni Arboladura.
(Jaimie Rose R. Aberia)