By ROBERT R. REQUINTINA
NASASANGKOT ngayon ang Kapamilya singers na sila Angeline Quinto at Morissette sa isang issue matapos daw silang makunan sa isang video na pinagtatawanan nila si Sarah Geronimo habang umiiyak ito sa kanyang concert sa Las Vegas, Nevada nitong mga nakaraang araw.
Itinanggi naman ni Quinto ang paratang ng mga Popsters, tawag sa mga supporters ni Sarah G., at hinahamon niya ang tao na di umano’y may hawak ng video na pinagtatawanan daw nila si Sarah.
Ang ibang fans ni Sarah ay nag-sorry na kay Quinto. Pero may mga fans ni Sarah na talagang sarado ang isip at pilit na binabanatan pa rin si Quinto.
May iba naman na sinasabihan na si Quinto ng masasakit na salita at minumura na sabay dawit na rin ang kanyang mga magulang. Narito ang mga sunod-sunod na post ni Quinto sa Twitter tungkol sa issue na kinasasangkutan nya sa ngayon.
“Popsters, napakalaki ng respeto ko kay Sarah Geronimo, napakalaki ng respeto ko sa mga supporters niya, nakikiusap ako, ilabas niyo ang video, iharap niyo sa akin ang taong sinasabi niyo na staff ng abs-cbn nakikiusap ako sainyo Popsters. Ngayon lang ako makikiusap sa inyo.
“Unang-una sa lahat popsters hindi ko pa alam ang issue na yan about Sarah Geronimo, nung nag-Asap ako nung linggo, nalaman ko ang issue kay Sarah galing sa best friend ko, April 30 (Monday) so paano narinig ng staff ng abs-cbn? E nalaman ko nga lunes pa.
“POPSTERS, Please nakikiusap ako ngayon sainyo, ilabas niyo ang video at ipakita niyo o ipakilala man lang yung staff ng abs-cbn na nakarinig ng pag uusap namin ni Morisette. Pati si Morisette na walang kinalaman dito kung ano ano ang sinabi niyo. Wag naman ganun. Hindi tama yan.
“Nasaan ang video at ang staff ng abs-cbn na nakarinig at naka kita sa amin ni Morisette na pinag tatawanan ang video ni Sarah Geronimo at sinabihan naming Pabebe si Sarah? POPSTERS NAKIKIUSAP AKO. IPAKITA NIYO SA AMIN NI MORISETTE.
“Ngayon ko lang nabasa lahat ng messages ng Popsters. Ang taas ng tingin ko sainyo at laki ng respeto ko sainyong lahat. Dahil kay Sarah Geronimo, kahit anong masasamang sabihin niyo sa akin at kay Morisette, reresputuhin ko parin kayo dahil nirerespeto ko si Sarah;
“Sabihin niyo lahat POPSTERS, HINDI AKO NAKAPAG SOLO CONCERT NA SOLD OUT, TOMBOY AKO,HINDI AKO SIKAT, Tatanggapin ko lahat yan, Dahil nirerespeto ko kayo, Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko ang iniidolo niyo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah.
“Sa ibang popsters na humihingi ng sorry, nag direct message at humihingi ng paumanhin, hindi niyo kailangan gawin yan, Maraming Salamat sainyo. Sana isipin nalang natin ang pinagdadaanan ni Sarah. Nakikiusap ako sainyo para kay Sarah nalang.
“MAGKITA TAYO NG PERSONAL MIKO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING PUTA ANG MAGULANG KO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG TYPE NITO PARA SAYO. MAGKITA TAYO PAKIUSAP,” ayon sa mga tweets ni Quinto.