By Rowena Agilada
CERTIFIED Kapuso na si John Estrada. Pumirma na siya ng exclusive contract sa GMA7 na aniya, handa na siyang i-challenge ang kanyang sarili sa mga role na ibibigay sa kanya.
Excited na si John sa first project niya na biggest ever this year ng GMA7. Kasama siya sa upcoming teleserye na pagbibidahan ni Alden Richards.
Nauna nang nag-guest si John sa “Celebrity Bluff.” One of the judges naman siya sa grand finals ng “The Will to Win” sa “Wowowin.”
Looking forward si John na makatrabaho sina Dingdong Dantes, Marian Rivera and of course his daughter Inah de Belen.
Gusto rin niyang makilala personally ang boyfriend ng anak niya na si Jake Vargas.
Magkaroon sana ng project kung saan pagsasamahin sina John, Jake at Inah.
Samantala, ang ex-wife ni John na si Janice de Belen ay lumipat naman sa ABS-CBN. Kasama siya sa isang upcoming teleserye. Hindi kaya iniwasan lang ni Janice ang kanyang ex-hubby?
Papansin
Ano kaya ang gustong patunayan nina Aubrey Miles at Troy Montero sa bago nilang pasabog? Ipinost nila sa socmed ang nude photos nila noong nagbakasyon sila sa Coron, Palawan. Feeling ba nila’y sila ang makabagong Eba at Adan?
Kasama nila ang mommy ni Troy na post ng kapatid niyang si KC Montero sa socmed, pagalitan nito si Troy.
Noong nagbakasyon sila sa San Benito Farm sa Batangas ay nag-post din sa socmed sina Aubrey at Troy ng kanilang nude photos.
Papansin ba talaga ang couple na ito? At least, nag-work naman at napag-usapan na naman sila. Maybe, gusto lang nila i-flaunt ang mga hubad nilang katawan. If you have it, flaunt it, kumbaga! O, baka naman sa sobrang init ng panahon, kaya trip nilang nakahubad?
Just curious, ano kaya’ng reaction ng mga anak nila, lalo na ‘yung panganay ni Aubrey na anak niya sa ibang guy?
Hot mama
Pinagpiyestahan din ang sexy body ni Dawn Zulueta na ipinost niya sa socmed. Naka-two-piece siya na kahit natatakpan ng black long blouse, kita pa rin ang hubog ng kanyang katawan.
In fairness, kahit late 40’s na si Dawn, hot mama pa rin siya. Pormang dalaga na wala pang anak ang katawan niya.
Kering-carry niyang makipagsabayan sa paseksihan ng female celebrities.
Sexy bodies pa more ngayong sizzling hot summer.