By Delia Cuaresma
Lumaya na ang kontrobersyal na aktres na si Krista Miller noong Biyernes, May 25.
Napiit si Krista, tunay na pangalan, Kristalyn Engle, sa Valenzuela City Jail matapos mahuli ito sa isang buy-bust operation noong September 2016.
Ayon sa mga reports, nahuli si Krista matapos inguso nang dalawang model na nahulihan ng droga.
Sa Certificate of Discharge ni Krista, “acquitted” siya sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ito ay as per ordered by Hon. Snooky Maria Ana C. Barceno-Sagayo, Presiding Judge Regional Trial Court Branch 283 ng Valenzuela City.
Nag-post sa Facebook si Krista noong araw din ng kanyang paglaya ng “Thank you Lord!”
Nang sumunod na araw, inupdate naman niya ang kanyang cover photo at nag-post muli ng “Mommy duties.”
May dalawang anak si Krista.
Ang anak niyang lalaki na si Emman ay anim na buwan pa lamang ng siya’y makulong.
Buntis siya sa pangalawang anak ng mahuli at makulong.
Masalimuot ang kuwento ni Krista bago pa man siya makulong.
Unang nasangkot ang pangalan niya sa hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz noong 2013.
Inakusahan din siyang galamay ng convicted drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata noong 2014.