ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Ang dami kong napapanuod sa balita na mga motor na sumisemplang o kaya naaaksidente. Ang masama dito, lahat halos, nakakatakot na aksidente! Lahat duguan o kaya patay. Pero ang nakakapagtaka, ang dami pa ring bumibili ng motor at madami pa ring ang nagmomotor! Bakit ba dumadami ang motor sa Pilipinas?
Stanly ng Cainta
Hi Stanly,
Mura kasi ang motor at madami pa ngayon tindahan ng mga motor ang nagbibigay ng maliit na downpayment at mahabang hulugan. Saka sakto ang motor dahil sa traffic sa Maynila. Mabilis ang motor sumingit sa traffic. Madalas madaming aksidente dahil maraming ma ‘kamote’ drivers. Kamote drivers ang tawag sa mga nagmomotor na matigas ang ulo at hindi nag-iingat! Lahat naman ng klase ng sasakyan pwede kang maaksidente pero madami lang talaga ang nag-uupload ng mga aksidente ng motor. Pero ang nagtataka lang talaga ako, ang unang nagmomotor sa Pilipinas eh ang mga Indian o ang tinatawag natin na ‘Bumbay’ pero bihira ako makabalita ng aksidente na involved ang Bumbay. Kaya naisip ko na dapat mag-seminar tayo sa mga Bumbay para makaiwas sa aksidente.
* * *
Hi Alex,
Paborito ko ang sawsawang patis! Lahat ng ulam gusto ko may patis! Sinigang, nilaga, o kahit pritong isda, gusto ko sinasawsaw sa patis! Kahit manggang hilaw, ayaw ko sa bagoong, gusto ko, patis! Masama bang mag-patis araw-araw?
Zeny ng Tondo
Hi Zeny,
Masama ang patis araw-araw kasi maalat ito kaya pwede kang magkasakit sa bato. Delikado sa kalusugan mo. Pero ang delikado pa sa patis eh ang matapunan ka nito. Kapag natapunan ka, mag-aamoy ano ka. Paano ko ba sasabihin ang amoy mo. Ang amoy kasi ng patis eh kasing amoy ng hindi hinuhugasang ano.. Basta alam na mga nakakabasa ang ibig kong sabihin! Lalo na ng mga lalakeng nakaamoy na!
* * *
Hi Alex,
Madalas mag-away ang mga aso sa kanto namin. Ano bang ang magandang gawin para matigil sila sa pag-aaway?
Donato ng Sampaloc
Hi Donato,
Wag kang makikialam! Buti kung mga tao yan na pwede mong awatin! Ang mga aso kapag nag-away, hindi mo maawat dahil baka ikaw pa ang makagat! Wag kang makialam sa problema nila!
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007