KUMAMBYO si Heart Evangelista sabay paumanhin matapos umani ng batikos sa mga netizens na nainis sa tweet niya ukol sa isang bone cancer patient na kinilalang si Cynthia Espiritu na nagpumilit makarating sa ospital sa kabila ng pagpapairal ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ani Mrs. Chiz Escudero, “Dearest Cynthia, thank you for inspiring others to smile and stay positive. God bless you and your friend.”
Umalma rito ang ilang netizens na obviously, inis sa hirap na dulot ng enhanced community quarantine lalo na ang kawalan ng pampublikong sasakyan.
Sa tindi ng batikos, sandaling umeskapo sa social media si Heart, huh!
Bumalik din siya kalaunan para mag-apologize sa mga followers.
Aniya, “I understand the hate. I should have elaborated on my sentiments more. I am sorry if I offended you.”
Paglilinaw pa ng aktres, “I’m saying so many people are complaining at home while Cynthia is still trying to be positive. Why are you hating so much? Guys, stop hating. Ang sama na ng mga nangyayari. Let’s try to lift each other.”
In fairness, agad naman tinanggap ng followers ang apology ni Heart.
NAGPAKAIN
Mixed reactions ang natanggap ng komedyanteng si Pokwang nang i-post nito sa social media ang pag-distribute niya ng sandwiches sa mga pulis at sundalo na naka-assign sa ilang checkpoints.
Although may ibang natuwa dahil nga imbes daw magmukmok sa bahay, nag-abala pa itong si Pokwang tumulong, may ilan naman na binatikos si Pokwang na anila ay nagpapabida. Dios mio! Personal itong tulong ni Pokie habang naka-quarantine sa bahay lalo na’t tigil ang shooting niya ng pelikulang “Mommy Issues” with Regal.
Wala siyang inaabala, huh!
Susunod niyang hahandugan ng pagkain ang doctors at nurses na abala rin sa pagtulong sa mga biktima ng coronavirus.
So sa mga bashers diyan, puwede manahimik na lang kayo?