SUPER proud malamang sina Vic Sotto at Coney Reyes sa anak nilang si Vico, mayor ng Pasig City. Nag-trending ang batang politico sa Twitter dahil sa mga ginagawa nito para sa kanyang mga conÂstituents kaugnay sa isinasaÂgawang enhanced community quarantine.
Puring-puri ng mga netiÂzens ang mayor. Kahit mga residente ng ibang siyudad bilib na bilb sa kanya. May mga gusto pa ngang magpaampon sa Pasig.
May ilang kababaihan naman na nag-tweet na suwerte raw ang magiging girlfriend ni Vico. Ang iba nama’y rektang nag-apply para sa posisyon.
Na-bash naÂman ng netizens si Noli de Castro sa komento niya kaugnay ng pag-apela ni Vico na payagan ang mga tricycle na makabiyahe sa Pasig.
Ani Noli, baka hindi daw alam ni Vico na puwede siÂyang humingi ng sasakyan sa gobyerno para sa kanyang mga sinaÂsakupan.
Kinuwestiyon ng netizens ang hirit na ito ng ABS-CBN news anÂchor. May nagtanong pa nga kung ano raw ba ang nagawa ni Noli noong siya ang vice-president ng Pilipinas.
KAYA RIN BA?
Sa mga celebs na reservists, si Ronnie Liang pa lang yata ang alam naming aktibong tumutulong sa bayan sa gitna ng quarantine.
Tumulong ang singer sa paghatid ng mga health workers sa may banÂdang Caloocan kasama ang ibang military personnel kamakailan.
Mga reservist din sina Matteo Guidicelli, Dingdong Dantes, Ejay Falcon, Gerald Anderson, Rocco Nacino, among others. Sundan kaya nila ang ginagawa ni Ronnie?