BY RUEL MENDOZA
*
INOKRAY ni Erik Matti ang mga K-dramas na patok sa mga manonood ng Netflix.
“The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and TV are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic,” tweet niya.
Ang Top 10 shows sa Netflix nang mag-tweet si Erik ay kinabibilangan ng limang K-dramas: “Hi, Bye Mama!” (#2), “Itaewon Class” (#4), “Crash Landing On You” (#5), “Fight For My Way” (#7), and “What’s Wrong With Secretary Kim “(#9).
Kasama rin sa Top 10 ang American crime drama na “Prison Break,” dalawang Netflix original series na “Money Heist” at “Elite,” at ang Netflix Original film, “Love Wedding Repeat.”
Ang nag-iisang Filipino film na nasa Top 10 ay ang “Born Beautiful.”
Dalawa ang pelikula ni Erik sa Netflix, ang “Kuwaresma” at “Buy Bust,” pero wala ito sa Top 10.
Maraming K-drama fans ang nabwisit sa komento ni Erik.
Ani ng isa, “Hindi lahat ng k-drama ay cinderella stories. Marami dito ang may magagandang storyline na malayong malayo ang kalidad kung ikukumpara sa ilang local series and movies!”
Ang ilan naman, pinagdiinan ang karapatan nilang mamili at manood ng gusto nila.
May iba pang nayabangan sa tinuran ni Erik. Binanggit pa nila ang isa sa mga lumang pelikula nito, ang “Gagamboy.”