BY RUEL MENĀDOZA
*
INOKRAY ni Erik Matti ang mga K-dramas na patok sa mga manonood ng Netflix.
āThe daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and TV are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinĀderella stories with beĀlofied actors whiter than white. And itās all about love in the midst of this pandemic,ā tweet niya.
Ang Top 10 shows sa Netflix nang mag-tweet si Erik ay kinabibilangan ng limang K-dramas: āHi, Bye Mama!ā (#2), āItaewon Classā (#4), āCrash Landing On Youā (#5), āFight For My Wayā (#7), and āWhatās Wrong With Secretary Kim ā(#9).
Kasama rin sa Top 10 ang American crime drama na āPrison Break,ā dalawang Netflix original series na āMoney Heistā at āElite,ā at ang Netflix Original film, āLove Wedding Repeat.ā
Ang nag-iisang Filipino film na nasa Top 10 ay ang āBorn Beautiful.ā
Dalawa ang pelikula ni Erik sa Netflix, ang āKuĀwaresmaā at āBuy Bust,ā pero wala ito sa Top 10.
Maraming K-drama fans ang nabwisit sa komento ni Erik.
Ani ng isa, āHindi lahat ng k-drama ay cinderella stoĀries. Marami dito ang may magagandang storyline na malayong malayo ang kalidad kung ikukumpara sa ilang local series and movies!ā
Ang ilan naman, pinagdiiĀnan ang karapatan nilang mamili at manood ng gusto nila.
May iba pang nayabangan sa tinuran ni Erik. BinangĀgit pa nila ang isa sa mga lumang pelikula nito, ang āGagamboy.ā