BY JUN NARDO
Nanay na si Ryza Cenon! Nagsilang ito ng kanyang unang baby last Oct. 31. Pinangalanan niya ang bata ng Night.
“Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night,” caption ni Ryza sa litrato ng maliit na kamay ng sanggol na ibinahagi niya sa social media.
Ang tatay ng bata ay ang partner niyang cinematographer na si Miguel Cruz.
Samantala, baby girl din ang isinilang kamakailan ng “Descendants of the Sun PH” star Reese Tuazon.
Una rin niya itong anak sa asawang non-showbiz na si Robi Guingona.
NAPAIYAK
Hindi napigilan ni Willie Revillame ang luha nang bisitahin ang original studio ng “Wowowin” sa GMA compound kamakailan.
Ilang buwan na nagbo-broadcast ng kanyang show sa Wil Tower sanhi ng pandemic.
Ani Will, naiyak siya dahil na-miss niya ang mga taong nakikita niya dati doon.
Nangako siya na pagdating ng November ay babalik na ang show sa studio para magtanghal ng live.