BY JUN NARDO
Nanay na si Ryza Cenon! NagsiĀlang ito ng kanyang unang baby last Oct. 31. Pinangalanan niya ang bata ng Night.
āNapakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night,ā caption ni Ryza sa litrato ng maliit na kamay ng sanggol na ibinahagi niya sa social media.
Ang tatay ng bata ay ang partĀner niyang cinematographer na si Miguel Cruz.
Samantala, baby girl din ang isinilang kamakailan ng āDescenĀdants of the Sun PHā star Reese Tuazon.
Una rin niya itong anak sa asawang non-showbiz na si Robi Guingona.
NAPAIYAK
Hindi napigilan ni Willie RevilĀlame ang luha nang bisitahin ang original studio ng āWowowinā sa GMA compound kamakailan.
Ilang buwan na nagbo-broadĀcast ng kanyang show sa Wil Tower sanhi ng pandemic.
Ani Will, naiyak siya dahil na-miss niya ang mga taong nakikita niya dati doon.
Nangako siya na pagdating ng November ay babalik na ang show sa studio para magtanghal ng live.