By MELL T. NAVARRO
Dinumog ng mahigit 120,000 katao ang “Summer Blast” event ng NET25 na ginanap kamakailan sa Philippine Arena Complex sa Bocaue, Bulacan.
This year, nag-level up ang annual event na ito ng istasyon.
Nakisaya at nakikanta ang music fans sa performances ng big artists tulad nina Gloc-9, Sponge Cola, Silent Sanctuary, at Rocksteddy.
Mismong ang mga kalahok na artist nagpahayag saya sa bonggang experience.
“Ang saya! Maraming salamat sa pagmamahal. Hanggang sa muli,” sabi ni Gloc-9.
“It really was a blast,” ang post naman ng Silent Sanctuary sa kanilang official page.
Nagtanghal rin ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre.
“This is very exciting,” pahayag ng bandang Dilaw na sumikat sa awitin nilang “Uhaw.”
Pahayag naman ng Sunkissed Lola: “Sobrang overwhelming. Ang solid!”
“It was a surreal experience. Lined-up with legends and icons in the entertainment industry,” post ng Eclipse.
Nasilayan rin ng fans ang mga artista ng NET25 gaya ng cast ng kanilang sitcom na “Quizon CT” headed by Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Donna Cariaga, at iba pa.
Nakisaya rin ang cast ng “GoodWill” na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto.
Present rin sina Meg Imperial, Regine Angeles, newscaster Alex Santos, at TV host na si Love Añover.
Sa pre-show ng concert, inaliw nina Tonipet Gaba at Anthony Ocampo ang crowd.
The concert was hosted by Alexa Miro, Jiro Custodio, at Ai Dela Cruz.
Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga tao sa iba’t ibang atraksyon ng complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death, at House of Mirrors, amusement rides, game booths.
Nag-enjoy rin ang marami sa inflatables, trade show, water fun, car show, bazaar, and food park.
Sabi nga, kung ang Chicago ay may “Lollapalooza” at ang California ay may “Coachella”, ang Pilipinas naman ay may “Summer Blast”!
Natapos ang concert sa isang bonggang fireworks display.
Sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, isang tagumpay ang kabuuan ng event.
Sponsors ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax, Pepsi, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, Nature’s Spring, Kapelonggo. E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee, at EW Villa Medica.
Abangan ang airing nito, details to be announced sa social media platforms ng istasyon.
For more info, bumisita sa https://net25.com