Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Michael V: Faithful husband

Michael V: Faithful husband

MICHAEL V

by Rowena Agilada

EXCITED na si Janine Gutierrez mag-taping ng “Villa Quintana.” Alam niyang mapapasabak siva sa drama for the first time, kaya kabado siva. Nag-workshop siya kay direk Gina Alajar in preparation for her role bilang Lynette.

Ayon pa kay Janine, mas excited pa sa kanya ang mamita Pilita (Corrales) niya. Parati siyang tinatanong kung kailan siva magtetaping. Parati rin siyang pinapayuhan kung ano ang mga dapat at hindi niya dapat gawin.

Kumusta naman sila ni Elmo Magalona? “We’re okey. Nagkatrabaho na kami noon sa ‘Together Forever’ kung saan magkapatid ang roles namin. Ngayon, love team na kami (laughs) . Si Elmo, mahilig magluto, mahilig naman ako kumain. Nakakakilig ang mga tingin niya (laughs),” wika ni Janine.

Faithful husband
Twenty years nang married si Michael V. sa non-showbiz wife niya at apat ang anak nila aged 19, 15, 10 at 5 years old. Isa lang si Michael sa mangilan-ngilang showbiz personalities na nananatiling matatag ang marriage at never siyang na-intriga o na-link sa ibang babae o kahit kaninong katrabahong aktres.

Masasabing faithful ever husband si Michael. “Gusto kong i-idolize ako ng mga anak ko, kava nagseset ako ng magandang halimbawa. Sadyang umiiwas ako sa tukso at gulo para hindi masira ang pamilya ko,” saad ni Michael.

He sees to it na twice a year ay makapag-travel abroad silang mag-anak. Mahilig silang mag-Disney cruise. Next target nila’y European cruise. Ayon kay Michael, peg niya si Joey de Leon na mahilig magtravel abroad with his family. Payo raw nito sa kanya’y magtrabaho, mag-ipon, mag-travel at mag-enjoy.

Bukod sa kanyang showbiz earnings, may food business pang pinagkakakitaan si Michael. May dalawa siyang restaurants na ang wife niya ang namamahala. May franchise rin sila ng Mr. Donut na si Michael ang endorser. By the way, sa Nov. 16 ang pilot telecast ng “Killer Karaoke Pinoy Naman” na iho-host ni Michael sa TV5 at 9 p.m.

Damay rin
Pati ba naman si Senator Bong Revilla idinadamay sa split-up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado? Unang nadamay ang pangalan ni Dennis Trillo. Pinabulaanan na ito ng Kapuso actor at naghahamon pa siyang
maglabas daw ng ebidensiya o picture nila ni Jen na magkasama silang nag-date.

Nagkasama lang sa isang pelikula noon sina Sen. Bong at Jennylyn, idinamay na rin siya sa hiwalayan nina Luis at Jen. Kung tama ang pagkatanda namin, that time ay buntis pa si Jen kay Alex Jazz (courtesy of Patrick Garcia).

Ang laki na ng problema ni Sen. Bong dahil diumano’y kasangkot siva sa pork barrel scam, hayan at idinadamay pa siva sa breakup nina Luis at Jen. Naman! Dapat sigurong magsalita na si Jen tungkol sa totoong dahilan ng split-up nila ni Luis. Bakit nga ba siva hiniwalayan ni Manzano? Totoo bang sa text lang nakipagbreak ang TV host kay Jen?

Kutob
Mamaya sa “Kahit Nasaan Ka Man,” magkikita na ang maginang Delia at Leandro. Pero hindi magpapakilala si Leandro at mamumuo ang galit sa ina sa pag-iwan nito sa kanya noong bata pa siya.

Kukutuban si Delia na si Leandro ang anak niya. Aalamin niya kay Pauline kung saan ito nakatira. Makakahanap na si Theresa ng taong makakatulong sa kanyang matupad ang mga plano niya laban kay Ernest.

comments