Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pamilya Gutierrez, may pasabog sa Enero

Pamilya Gutierrez, may pasabog sa Enero

GUTIERREZ Family

by Rowena Agilada

KAABANG-ABANG ang two-part TV special na “It Takes Gutz To Be A Gutierrez,” tampok ang pamilya Gutierrez … Eddie, Annabelle Rama and their children, Ruffa, Richard, Raymond, Elvis, Rocky and Ritchie Paul, plus ang dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice at ang anak ni Elvis. “Abangan n’yo kung ilan talaga ang apo ko,” nakangiting sabi ni Annabelle sa presscon ng kanilang TV special.

Ayon naman kay Richard, mag-aappear sa TV special ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati dahil bahagi ito ng kanyang buhay. Basta abangan daw ang big announcement in January next year. “Tingnan natin kung may revelation nga ba? This show will be the right venue kung meron man. This is a free-flowing show and you’ll know more of us,” pahayag ni Richard. Aniya pa, noong una’y kabado siya at sceptical dahil very private person siya . Ipapakita nila on national TV ang mga totoong nangyayari sa buhay nila. Kung ano’ng itsura nila pag-gising nila sa umaga, hanggang pagtulog nila sa gabi. Walang i-e-edit, walang script at basta magpapakatotoo lang sila kung ano’ng klaseng pamilya ang mga Gutierrez.

Dahan-dahan
Ayon kay Annabelle, magkakaroon ng anim na presscon ang kanilang TV special. Unti-unti ang kanilang revelations. “Dahan-dahan lang para aabangan n’yo (laughs).” Walang itinatago ang pamilya Gutierrez,” wika naman ni Eddie.

Joint-venture ito ng Royal Era Entertainment ng Gutierrez family at TV 100 ni Mike Carandang na siya rin ang direktor ng reality show na ito. Sa January next year ang airing at secret pa kung saang TV network ipapalabas ang “It Takes Gutz To Be A Gutierrez” na one-hour show. Magte-taping sila around Asia. Ang pinaka-highlight ay kukunan sa Baguio City.

Nagmamahalan
Hindi naiwasang ikumpara ang pamilya Gutierrez sa pamilya Barretto. “Hindi ako inaaway ng mga anak ko. Wala ako ninakaw. Nag-aaway kami ni Ruffa, pero hindi seryoso. Two days ang pinakamatagal na hindi kami naguusap. Hindi siya nagsasalita against me. Hindi niya ako sinisiraan. Umiiyak na lang siya,” wika ni Annabelle.

Aniya pa, nasasaktan siya para sa pamilya Barretto sa kontrobersiya ng mga ito. “Pag nag-aaway ang pamilya Gutierrez, ako ang nananalo. Pag may diskusyon kami, hindi kami sumusunod ni Eddie sa mga anak namin. Gusto namin, nasa likod namin sila at kami ang nasa harap,” wika ni Annabelle.

“Iba ang pamilya namin. Inaaway lang ako ng mom ko tungkol sa lovelife ko. Pag may hindi siya nagustuhan, sasabihin daw niya sa press. Mahilig siya isa-publiko, ayoko naman. Magso-sorry na lang ako sa kanya. Nagmamahalan at nagsusuportahan ang pamilya namin,” pahayag ni Ruffa na aniya pa, two years na siyang loveless.

May pasabog
Nabanggit na rin lang ang mga Barretto, abangan mamayang gabi si Mrs. Inday Barretto sa “What’s Up Doods?” ni Edu Manzano. May mga bagong pasabog kaya ang Barretto matriarch laban sa itinakwil niyang anak na si Gretchen?

Tutok lang sa TV5 at 10:30 p.m.

comments