Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian sanay nang magpakita ng katawan

Marian sanay nang magpakita ng katawan

MARIAN Rivera Poster 2

by Rowena Agilada

IN line sa 180th anniversary next year ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI), kinuha nilang 2014 calendar girl si Marian Rivera. Super sexy ang Kapuso Primetime Queen sa tatlong layouts kung saan nakatwo-piece swimsuit (yellow, red and white) siya na kuha ng sikat na photographer na si Marc Nicdao. Nag-photo shoot sila sa Boracay, Batangas at Palawan kasama ang stylist ni Marian na si Liz Uy.

Second time ni Marian maging calendar girl ng GSMI; una noong 2009. “Sobra akong honored and I feel so blessed na pinagkatiwalaan ako ng GSMI sa ikalawang pagkakataon. This time, mas confident na ako sa sexy poses. Noong 2009, hindi ako sanay magpakita ng katawan,” wika ni Marian sa launch cum presscon.

Aniya, masaya siya sa kinalabasan ng sexy pictorial niya para sa 2014 calendar girl ng GSML “Very proud ako dahil very tastefully done ang lahat ng layouts. Talagang pinaghandaan ko ito. Nag-diet ako,
nag-exercise at nag-zumba,” lahad ni Marian.

“Marian Rivera is one of the sexiest celebrities bukod sa pagiging big star niya. Gusto naming i-celebrate ang 180th anniversary ng GSMI in a big way with a big bang. She exudes the sensuality and confidence ng ideal Ginebra calendar girl. We’re happy to have her on board as our calendar girl for the second time,” pahayag ng GSMI vice president at marketing manager na si Mr. Nelson Elises. Aniya pa, one of the Top 5 largest selling gins ang GSM.

Bagong tambalan
Sa launch cum presscon ng Ginebra San Miguel Inc. for Marian Rivera, kinumpirma ng Kapuso Primetime Queen na si Alden Richards ang kapareha niya sa bagong teleseryeng gagawin niya sa GMA7. Wala pa itong title na sa pagkaalam ni Marian ay pangalan ng isang babae. Heavy drama ito na si Dominic Zapata ang direktor. Next week ang taping nila.

Ayon pa kay Marian, gusto sana ng GMA na gumawa rin siya ng isang sitcom. Hindi niya kayang pagsabayin dahil heavy drama ang teleserye niya. Aniya, gusto muna niyang mag-focus sa teleserye at kapag nakabuwelo na siya, pwede na siyang gumawa ng sitcom.

Hopefully next year ay makagawa rin sila ng isang project ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Ani Marian, nami-miss na niya makipagtrabaho sa Kapuso Primetime King.

Nagkadebelopan daw?
May benefit of the doubt kami sa tsika ng isang source na si Julie Anne San Jose ang diumano’y dahilan ng pagkalabuan ng relasyon nina Kristoffer Martin at Joyce Ching. For sure, itatanggi naman ito nina Kristoffer at Julie Anne. What else is new?

Ayon sa source, nagkadebelopan daw sina Kristoffer at Julie Anne sa madalas na pagkikita at paguusap nila sa taping ng “Kahit Nasaan Ka Man.” They got to know each other more hanggang nagkagaanan sila ng loob at diumano’y nagkadebelopan. Owwwssss?

Final episode tonight ng KNKM at abangan natin kung pagkatapos nito’y magiging “item” pa rin sina Kristoffer at Julie Anne. O, kung may dapat na ba silang aminin?

Siyanga pala, huwag palampasin ang mga kaganapan mamaya sa KNKM. Happy ending kaya ang relasyon nina Leandro (Kristoffer Martin) at Pauline (Julie Anne San Jose)? What about Ernest (Michael de Mesa) and Delia (Rita Avila)? Ano’ng mangyayari sa isinampang kaso ni Tino (Ronaldo Valdez) laban kay Theresa (Eula Valdez)? Mabawi kaya ni Tino ang perang ninakaw sa kanya ni Sally (Vaness del Moral)? Tutok lang sa pagtatapos ng KNKM pagkatapos ng “Genesis” sa GMA7.

comments