Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jen Palo-bound, hahanapin ang lola

Jen Palo-bound, hahanapin ang lola

by Rowena Agilada

YASMIEN KurdiKUNG walang magiging problema, nakatakdang magpunta today si Jennylyn Mercado sa Palo, Leyte. Kasama niya ang mga kasambahay nila at magdidistribute sila ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

May mga kamag-anak doon si Jen at aniya, 40 sa mga ito’y nakaluwas na sa Manila at nakatira sa isang pinsan niya. Labis naman ang pagaalala ni Jen sa kanyang lola (sa biological mom niya) na hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon.

Dahilan din ‘yun kung bakit pupunta si Jen sa Palo para makibalita tungkol sa kanyang lola. Mag-o-overnight doon ang Kapuso actress. Ayon kay Jen, three years ago nang huli siyang nagpunta roon. Aniya pa, madalas siva roon noong bata pa siya.

By next week, magte-taping na si Jen ng “Rhodora X,” bagong teleserye niya sa GMA7 na mapapanood sa January next year. Balik-tambalan sila ni Mark Herras.

Ani Jen, nananatili ang special relationship nila ni Mark kahit matagal na silang break. “Walang malisya ‘yun, ha? Mag-kumpare pa kami ni Mark dahil ninong siva ng anak kong si Alex Jazz (father is Patrick Garcia),” saad ni Jen nang nakausap namin sa pocket presscon ng “Rhodora X.”

Malungkot pa rin ba ang puso niya matapos silang mag-break ni Luis Manzano? “Nasasaktan pa rin. But I’m a lot better now. Getting there. Naiiyak ko na ang sama ng loob ko. I’m stronger than ever. Iniisip ko na lang, masuwerte pa rin ako dahil may mas malala pang nangyari sa ibang tao. Mas naa-appreciate ko ngayon ang mga tao sa paligid ko. Na-realize ko kung gaano sila ka-importante sa buhay ko,” lahad ni Jen.

Sibling rivalry
Birthday today ng anak ni Yasmien Kurdi at isang taon na si Ayesha Zara. Pero sa Sunday ang children’s party sa isang events place sa Taguig City. Excited mom si Yasmien at aligaga sa paghahanda para sa 1st birthday party ng kanyang anak.

“Nakakatuwa na siva dahillumalakad na at humahabol na sa akin pag nakita niyang paalis ako. Nag-iinarte na,” sabi ni Yasmien na ang laki na ng ipinayat ngayon. Kinarir daw niya talaga ang pagpapapayat para magkatrabaho siva.

Kasama si Yasmien sa “Rhodora X” kung saan magkapatid sila ni Jennylyn Mercado. May sibling rivalry sila. Ani Yasmien, good girl ang karakter niya bilang Angela. May split personality (Dissociative Identity Disorder) naman si Jen bilang Rhodora/Roxanne.

Huling napanood si Yasmien sa “Annakarenina” at happy siyang may kasunod agad itong project. May blessing ng kanyang non-showbiz husband ang pagbabalik-lV niya at full support ito sa kanya.

After she gave birth to their first baby, six months nagpa-breastfeed si Yasmien. Now, formula milk na ang sinususo ng kanyang baby kava puede na niyang iwan ito para makapagtabaho na siva. Wala siyang yaya at either ang mommy ni Yasmien or ang kanyang mother-in-law ang nag-aalaga sa bagets kapag wala siya.

And more
Mamaya sa “Genesis,” magkikita na sina Isaak at Raquel. Ia-appease ni President Sandra ang mga anak
niya sa nangyaring paglusob sa Malacanang. Pero wala siyang magagawa para payapain ang mga mama mayan na galit na galit sa kanya. Kakampi na ang mga ito ngayon ni Ramona.

Tampok naman mamaya sa GMA News TV at 8 p.m. ang special documentary tungkol sa 50th death anniversary ni US President John F. Kennedy. He was assassinated on Nov. 22,1963. Pinamagatang “The Day Kennedy Died,” may mga exclusive interviews dito sa mga taong nakasaksi sa pagpatay kay Kennedy.

comments