Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sid Lucero gets fat memo

Sid Lucero gets fat memo

SID Lucero

MAY fat memo rin si Sid Lucero mula sa GMA7 management. Ito ang sabi ni Sid nang nakausap namin sa set ng “Magkano Ba ang Pag-ibig?” sa Sta. Cruz, Laguna. Parehas na sila ng pinsan niyang si Geoff Eigenmann na naunang pinadalhan ng fat memo. Malaki na ang ibinawas ng timbang ngayon ni Geoff na napapanood sa “Adarna.”

Ayon kay Sid, tumaba siya dahil wala siyang oras para mag-exercise. Busy siya sa taping ng dalawang show niya, “Magkano Ba ang Pag-ibig?” at “Katipunan.” Puyatan sila sa taping, kaya bumabawi na lang siya sa pagkain nang marami. Hayun, tumaba siya.

Ani Sid, nawawala ang pagod niya pag uwi niya ng bahay at nakikita niya ang kanyang 4-month-old baby girl na si Halo. Kapag nginitian na siya nito, nawawala ang pagod at antok niya. “Masarap na siyang laruin. Madaling patawanin at humahagikgik na,” ani Sid.

Kailan naman sila magpapakasal ng mother ng anak niya? “Wala pa. Nakatutok muna kami sa baby namin,” ani Sid.

Kumusta naman ang muling pagtatrabaho nila ni Heart Evangelista sa “Magkano Ba ang Pag-ibig?” Una silang nagkasama sa “Legacy” at naging “item” pa sila noon. “We’re okey. At first, awkward ako noong nagte-taping kami dito sa “Magkano..” Nagulat kasi ako sa sinabi niya noong presscon na we were dating then. Later, naging komportable na ako working with her. She’s easy to work with. Walang kiyeme. Walang arte.”

ALESSANDRA De Rossi

Naaawa
Naaawa si Alessandra de Rossi kay Anne Curtis sa iskandalong kinasangkutan nito sa isang bar. Nakausap namin si Alex sa taping ng “Magkano Ba ang Pag-ibig?” at aniya, dalawang bagay lang ang nangyayari kapag lasing ang isang tao. “Either sobra kang mapagmahal o magwawala ka. Pag nalalasing ako, masayang-masaya ako. Mapagmahal ako. Hinahalikan ko, niyayakap ko ang mga tao sa paligid ko,” wika ni Alex. “Ayoko na ng alcohol. Ang dami kong tinanggihang liquor endorsements.”

Itinanggi naman ni Alex na nag-walkout siya sa isang awards night. Dalawa silang nominees ni Angelica Panganiban for best actress na pinanalunan ng huli. “Woman of the Ruins” ang movie ni Alex. Aniya, expected niyang hindi siya mananalo. For obvious reason na sa ABS-CBN ang Cinemaone Originals .

“Hindi ako nag-walkout. Natawa nga ako. Sabi ko lang, dalawa lang kaming nominees? Hindi ba pwedeng tie kami? Joke ko lang ‘yun. Hindi ako seryoso. Wala sa akin ‘yun. Ako pa?” paliwang ni Alex.

Bait-baitan ang karakter niya sa MBAP at ayon kay Alex, talagang hiningi niya ang role na ’yon. Nagsawa na raw siya sa kontrabida role. Gusto na nga niyang mag-quit noon sa showbiz dahil parating kontrabida role ang natotoka sa kanya. Na-frustrate siya. “Masaya na ako ngayon sa mga project na ibinibigay sa akin. Hindi ko na iniisip mag-quit (laughs),” sambit ni Alex.

And more
Tunghayan ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang tungkol sa sex cult story. Pinamagatang “Huwad na Sugo,” kuwento ito tungkol sa isang amang naghangad ng payapang buhay para sa kanyang pamilya. Tampok sina Jomari Yllana, Michael de Mesa, Ana Capri, JM Reyes, Marc Acueza, Elle Ramirez, Mel Kimura, Kimberly Fulgar at Neil del Rosario.

Susugod naman ang “Tropa Mo Ko Unli” sa San Sebastian College. Abangan ang “The Layza Mae Toyo Show” at ang bagong segment, “Tropa Dance Instructional.” Kasama ang PBA legend at assistant coach ng San Baste na si Rodney Santos sa “Oh Gee! Sing It!” segment at siyempre abangan din ang “Battle of the Brainless.” Tutok lang sa TV5 at 8 p.m.

comments