Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sophie ayaw maki-ride sa popularity ng tita Kris n’ya

Sophie ayaw maki-ride sa popularity ng tita Kris n’ya

SOPHIE Albertby Rowena Agilada

HINDI isyu kina Alwyn Uytingco at Martin Escudero kung tinanggal si Alwyn sa cast ng “Obsession” at pinalitan siya ni Martin. Maaaring intriga ito sa ibang tao dahil may common denominator sina Alwyn at Martin. Si Jennica Garcia na ex-girlfriend ni Martin na current GF ni Alwyn.

Past is past, ayon kina Alwyn at Martin sa magkahiwalay na interbyu namin sa dalawa. Si Alwyn sa taping ng “Tropa Mo Ko Unli” at si Martin, sa presscon ng “Mumbai Love.” Sabi ni Alwyn, hindi sumama ang loob niya kay Martin dahil management decision ‘yun. Binigyan naman siya ng TV5 ng ibang teleserye, “Becki Boxer” kung saan gay ang role niya.

Ayon naman kay Martin, no bad blood between him and Alwyn. Nagkatrabaho na sila noon sa isang teleserye ng TV5. More than willing siya to work again with Alwyn.

Wala namang maisagot si Martin sa tanong namin kung bakit nag-resign si direk Eric Quizon sa “Positive.” Aniya, nagulat na lang siya na iba na ang direktor nila. “Baka kasi, di ba, may trabaho rin siya sa Hong Kong?” baliktanong ni Martin. Iba ang tsikang nakarating sa amino Diumano’y nagkaroon ng isyu between direk Eric and his creative team.

Ayaw maki-ride
Tulad ni Vin Abrenica, hindi pa rin naibibigay kay Sophie Albert ang condominium unit na napanalunan niya bilang bahagi ng premyo niya sa “Artista Academy” (TV5). Siya ang tinanghal na female winner. Si Vin naman ang male winner.

Nakausap namin si Sophie sa taping ng “Tropa Mo Ko Unli” sa STI Cainta at aniya, nakuha na niya ‘yung ‘P1-million cash prize, pati ang Innova car. Itrinade-in lang niya ang kotse para sa isang brand-new Fortuner. Ibinenta rin ni Sophie ‘yung luma niyang Fortuner at idinagdag sa isang brand new na binili niya.

Kamag-anak ni Sophie si Kris Aquino. Tita niya ang TV host at presidential sister. Kapag may family gatherings, paminsan-minsan lang siya nakakapunta, ayon kay Sophie. Ayaw niyang masabihang nakiki-ride siya sa popularity ng kanyang Tita Kris, kaya iniiwasan niyang mapag-usapan ito. Bulong sa amin ng katabing reporter, rich ang pamilya ni Sophie. Low-profile lang daw ito.

Tulad ng pagtanggi ni Vin Abrenica na may “something” sila ni Sophie, pero crush niya ang dalaga, sinangayunan siya ni Sophie. Crush din niya si Vin, pero wala pang ligawang nangyayari sa kanila. Sige na nga!

Starstruck
Ang baguhang actor na si Kiko Matos ang leading man ni Solenn Heussaff sa “Mumbai Love.” Unang napanood si Kiko sa indie film na “Babagwa.” Nag-audition siya for his role in “Mumbai Love.” Ang gusto ng manager niyang si Mell Navarro ay para sa supporing role siya mag-audition.

“Ayoko,” sabi ni Kiko. “Gusto ko ang lead role bilang Nandi, isang Indian tourist guide. Mukha naman akong Indian. Noong bata pa ako, bumbay ang tukso sa akin.” Portuguese ang daddy ni Kiko na taxi driver sa Portugal. Pinay ang mommy niya na may piggery sa Antipolo. Hindi hiwalay ang parents niya, ayon kay Kiko na panganay sa dalawang magkapatid.

Nag-join noon si Kiko sa TV Idol search ng MTB (“Magandang Tanghali Bayan”). Former ramp and commercial model siya. He is 23 years old, single. Aniya, kung walang boyfriend si Solenn Heussaff, liligawan niya ito. Starstruck siya kay Solenn noong unang nakita niya ito sa audition. Noong nag-shoot sila sa India for ten days, sobrang nabighani siya sa dalaga. “I found her to be a really wonderful and beautiful person inside and out,” ani Kiko.

May sakit
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang kuwento tungkol kay Veronica Martinez, isang basurera at unwed mother na may isang anak at mga apo. Nagkaroon siya ng breast cancer. Paano niya haharapin ang responsibilidad sa mga ito? Guests sina Eula Valdez at Gloria Romero.

comments