Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Elmo-Lauren hiwalayan gimik lang daw

Elmo-Lauren hiwalayan gimik lang daw

ELMO Magalona

NEVER inamin nina Elmo Magalona at Lauren Young na may relasyon sila, kahit pa open secret ’yun sa showbiz. Balitang diumano’y break na sila. Umamin na kaya sila na totoong nagkarelasyon sila? O, panindigan nilang never naging “sila”?

From the grapevine, diumano’y si Janine Gutierrez ang dahilan ng break-up o cooling-off period nina Elmo at Lauren. Hindi kaya promo lang ito para sa sa afternoon series nina Elmo at Janine sa GMA7? Magkasama sila sa “Villa Quintana,” kaya hindi maiwasang isiping hindi kaya gimik lang ito?

LAUREN Young

Kristoffer Martin-Joyce Ching ba ito? Noong nakapareha ni Kristoffer si Julie Anne San Jose sa “Kahit Nasaan Ka Man,” nag-break (o, pinag-break?) sina Kristoffer at Joyce. Diumano’y nagkakamabutihan daw sina Kristoffer at Julie Anne. Noong natapos ang kanilang teleserye, natapos na rin ang pagli-link sa kanila. Waley na balita kung ano nang development.

’Heard, magkakasama naman sina Kristoffer at Joyce sa isang bagong teleserye ng GMA. Hindi kaya mabalitaan naman nating “nagkabalikan” sila?

Kilig much
Kilig much si Pauleen Luna noong aminin ni Vic Sotto on national TV na pangalan niya ang nasa puso nito. Bilang bawi ng dalaga, sinabi rin niya on national TV na malaking V-I-C ang nasa puso niya. Kabog ang mga bagets na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga litanya nina Vic at Pauleen.

Mas kikiligin pa siguro si Pauleen kapag natupad ang silent wish niyang mag-propose ng marriage sa kanya si Vic. Anang dalaga, may mga bagay-bagay na gusto niyang sarilinin na lang muna para kung ma-disappoint siya, siya na lang. Oo nga naman! Suffer in silence na lang.

Nasa Japan ngayong Pasko si Pauleen with her family, kaya hiwalay sila ni Vic ng celebration. Ang mga kapatid at anak ni Vic ang kasama niya ngayong Pasko. Baka mag-ikot-ikot din siya sa mga sinehan bukas. Opening day ng “My Little Bossings,” entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Aamin na ba?
Kung magkahiwalay sina Vic Sotto at Pauleen Luna ngayong Pasko, magkasama naman sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa United States ngayong Holiday Season. Next month pa ang balik nila before or after Richard’s birthday.

Talagang ine-enjoy to the max ni Richard ang kanyang bakasyon matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA7 some months ago. Sinusulit niya ang pagiging always together nila ni Sarah. Panay ang pagpo-post nila sa kanilang instagram account ng happy moments pictures nila.

Inaabangan pa rin ang big revelation nina Richard at Sarah. Kapag tinatanong kasi si Richard kung totoong may baby na sila ni Sarah, wala siyang kinukumpirma, wala siyang dine-deny. Basta abangan na lang daw kung meron o wala siyang iri-reveal next year. Did we hear it right na Zion ang name ng baby?

comments