Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Muntik nang magsapakan dahil sa babae

Muntik nang magsapakan dahil sa babae

CESAR and Rocco

by Rowena Agilada

Ano kaya ang isyu kina Cesar Montano at Rocco Nacino na diumano, muntik nang magkasapakan noong cast party ng “Akin Pa Rin Ang Bukas?” Agad naman may mga umawat , kaya hindi natuloy.

Babae kaya ang dahilan? Or could it be, may kung sinong na-insecure kina Cesar at Rocco sa exposure ng kanilang respective roles sa APRAB? Ang babaw naman yata nu’n. Parehas naman silang nagpakita ng galing sa pag-atake sa karakter na ginampanan nila.

Kung tama ang pagkatanda namin, nagkaroon din ng isyu kina Cesar at Gardo Verzosa noong nagkasama sila sa isang teleserye sa isang network. Bago natapos ang serye, nabalitang diumano’y nagkapikunan ang dalawang aktor. Diumano, muntik na rin silang magkasapakan. Hindi tuloy maiwasang isipin, kanino ba o sino ang may problema working with Cesar? Just asking! Walang pikunan.

Buddhist’s blessing
Sa Vietnam pala nagpunta sina Dingdong Dantes at Marian Rivera after Christmas. Nagpost sila sa kanilang respective instagram accounts ng magkasamang pictures nila sa Amantaka, Luang Prabang, Laos, Vietnam. Malihim talaga ang dalawang ito at kiyeme-kiyemeng hindi raw sila mag-a-out of the country ngayong Kapaskuhan.

Parehas silang nakaluhod at nagdarasal na may mga kasamang buddhists. “ A prayer of any form is greatly appreciated and respected, especially if it will jumpstart one’s year-end vacation. Thank you for the Buddhist blessing,” post ni Dingdong.

“ Wala nang sasarap pa na pabaon pauwi kungdi ang ipagdasal ka ng ibang tao kahit iba pa man ang kanyang relihiyon. Thank you Lord for everything,”post naman ni Marian. Comments ng ibang nakabasa, para raw ikinakasal sina Dingdong at Marian. Hindi nga kaya? Bakit kaya nagpa-Buddhist blessing sina Dingdong at Marian? Parehas naman silang catholic. For experience kaya? Whatever!

Malabo
Mukhang malabo talagang matupad ang inaasam-asam ng ibang tao na magkabalikan sina Luis Manzano at Angel Locsin. Balitang diumano, isang 38-year old politician from the North ang kasama ni Angel sa Singapore nitong nakaraang Pasko. True naman kaya ito?

May record si Angel na wala siyang binabalikang ex-boyfriend. Para sa kanya, pag tapos na, tapos na talaga. Di ba nga’t noong nag-break sila ni Luis, nag-effort ang huli to win her back? Pero walang naganap na balikan sa kanila.

Noong nag-break sina Luis at Jennylyn Mercado, Angel at Phil Younghusband, may mga nag-ilusyon na baka magkabalikan sina Luis at Angel. Anang huli, text-text pa lang sila ni Luis. May politician naman palang nakabihag ng puso ng aktres. That is, kung true ang chism (tsismis).

Year-end special
Abangan mamaya ang hatid ng GMA News & Public Affairs 2013 Year-End Review. Pinamagatang “Look Up, Look Up, “ hosted by Mike Enriquez with Ryzza Mae Dizon, bubusisiin ng TV special na ito kung paano muling babangon mula sa mga nagdaang unos at trahedya ang mga Pinoy.

Ating alamin kung ano-ano ang mga aral na iniwan ng mga nagdaang trahedya at isyu sa pulitika. Paano mas magiging handa sa mga maaaring sumunod pang trahedya at kalamidad? Paano tututukan ng awtoridad ang peace and order sa bansa para sa mas mapayapang 2014 at sa mga susunod na taon? Manood mamayang 9:15 pm sa GMA-7.

comments