Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kim’s dad nag-e-effort mapalapit muli sa anak

Kim’s dad nag-e-effort mapalapit muli sa anak

Luis Manzano and Angel Locsin

by Rowena Agilada

HINDI kaya humantong na sa kasalan kapag tuluyang nagkabalikan sina Luis Manzano at Angel Locsin? Sa isang interbyu, sinabi ni Luis na hindi na niya pakakawalan si Angel. Bagama’t sinabi ni Angel na mahal pa rin niya si Luis at gusto niya itong makasama, may mga bagay-bagay pang dapat silang pag-usapan at ayusin.

Three years silang nag-iwasan at hindi nag-usap matapos silang mag-break noon. Mukhang malalim ang dahilan, kaya sobrang nasaktan si Angel. Bukod kay Luis, ang ex-BFs ni Angel ay ang namayapang aktor na si Miko Sotto, next ang pinsan nitong si Oyo Sotto na asawa ngayon ni Kristine Hermosa. Ang huling nakarelasyon ni Angel ay si Phil Younghusband.

Curious lang kami kung sino kaya sa ex-BFs ni Angel ang pinagsabay sila ng isang girl? Hindi niya raw sinugod ang girl dahil ayaw niyang ipahiya ang kanyang BF. At saka, hindi naman daw ’yung girl ang may commitment sa kanya kundi ’yung BF niya.

Love is lovelier the second time around kaya for Luis and Angel? Happy days are here again kaya for them? Mukhang masisira ang record ni Angel na wala siyang binabalikang ex-boyfriend. Ano kayang meron si Luis na wala sa ex-BFs ni Angel para gustuhin niyang magkabalikan sila?

If ever, do we hear wedding bells? After all, nasa marrying age na sila. Luis is turning 33 on April 21 this year at 29 (or 30?) si Angel on April 23. Take note na parehas silang April born.

Dahil sa sikap at tiyaga
Twenty years old si Jayson Gainza noong nag-asawa siya at para masuportahan ang kanyang pamilya, nagtrabaho siya bilang construction worker, nag-waiter at naglabandero. Nag-OFW din siya at nagtrabaho sa Middle East. Sikap, sipag, tiyaga at determinasyon ang naging panuntunan ni Jayson para umangat sa buhay.

Nag- audition siya sa “Pinoy Big Brother” (PBB). Nagtiyaga siya sa mahabang pila hanggang nabigyan siya ng pagkakataon. The rest is history. Sa mga kapanabayan niya noon sa PBB, si Jayson ang nabiyayaan ng magandang takbo ng career.

Nag-klik ang pag-i-impersonate niya kay Boy Abunda sa isang segment ng “Banana Split/Nite.” Kayang-kaya ni Jayson magbakla-baklaan, kaya kinuha siya ng Capestone Pictures para gumanap bilang gay stepmother ni Solenn Heussaff sa “Mumbai Love.” Aliw na aliw ang mga nakapanood sa karakter ni Jayson noong premiere night ng pelikula.

Ang ganda pa ng billing ng pangalan ni Jayson na una kina Martin Escudero at Raymond Bagatsing na ipinagtampo ng huli. Regular showing today ng “Mumbai Love” sa mga sinehan nationwide.

KIM RodriguezNag-e-effort
Natutuwa si Kim Rodriguez na nag-e-effort ang daddy niyang mapalapit sa kanya. Noong bata pa siya’y takot na takot siya sa kanyang daddy. Parati siyang sinasaktan nito.

Born out of wedlock si Kim. Noong naghiwalay ang parents niya at nagkaroon ng kani-kanilang pamilya, ang lola niya (sa father side) ang nag-alaga at nagpalaki kay Kim. Sa Japan nanirahan ang kanyang mommy noong nakapag-asawa ito ng isang Japanese. May half-brother si Kim sa Japan.

Tatlo ang half-brothers niya sa kanyang daddy. Sa San Mateo, Rizal nakatira ang pamilya nito. A few years ago, namatay ang lola ni Kim at isang pinsan niya ang kasama niya ngayon sa inuupahan niyang condominium unit sa Timog, QC. Ani Kim, madalas siyang binibisita ng kanyang daddy at ipinagluluto pa siya.

Abangan si Kim sa bago niyang drama series sa GMA, ang “Paraiso Ko’y Ikaw” with Kristoffer Martin.

comments