Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enzo and Louise, sweeter than before

Enzo and Louise, sweeter than before

LOUISE delos Reyes and Enzo Pineda

by Rowena Agilada

Sweeter than before sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes. Anang huli, mas okey na ang relasyon nila ngayon ni Enzo . Nag-grow at parehas na silang nag-mature sa pag-handle. Wala nang selos factor at kaya na nilang ihiwalay ang trabaho nila sa kanilang personal relationship. “Ang sarap ng feeling na mas nagkakaintindihan na kami ngayon. Mas nakaka-foucs na kami sa trabaho namin,”saad ni Louise.

Inamin ni Enzo, pinagselosan niya si Alden Richards na dating ka-love team ni Louise. Aniya, hindi naman maiiwasan ‘yun dahil siyempre,” Girlfriend mo, napapanood mong may sweet moments sa ibang lalaki. Pero nasanay na rin ako. Bumabawi na lang ako sa ibang aktres na nakakapareha ko naman sa mga ginagawa kong project (laughs),”ani Enzo.

Magkasama sina Enzo at Louise sa “Basement,” pero wala silang eksena together. Si Kristoffer Martin ang madalas ka-eksena ni Louise, si Sarah Lahbati naman ang kay Enzo. Band member si Louise at kagrupo niya sina Kristoffer, Teejay Marquez at RJ Padilla. Rebelde at pasaway na anak ang karakter ni Louise. Joint-venture ng Springboard at Coffeehouse Productions ang “Basement,” directed by Topel Lee.

Rommel and Daniel Padilla

Nanghinayang
Si Rommel Padilla ang masasabing pinaka-chickboy sa Padilla brothers. Walo ang anak niya sa limang magkakaibang babae. Ang kapatid niyang si Robin ay apat ang anak sa isang babae lang, sa ex-wife niyang si Liesel Sicangco. Ewan lang kung ilan naman ang anak ng kapatid nilang si Royette.

The “late Rustom Padilla”, another brother na “sister” na ngayon (as BB Gandanghari) ay ex-husband ni Carmina Villarroel, pero hindi sila nagkaanak. Joke pa ni Robin, noong lalaki pa si Rustom, parati siyang hinahamon nito ng suntukan. Eh, ngayon kaya, kurutan, sampalan o kilitian na ?

Anak ni Rommel si Daniel Padilla kay Karla Estrada. Nakarelasyon din niya noon si Jean Garcia na ani Rommel, nanghinayang siya na hindi sila nagkaroon ng anak. “Maganda o guwapo rin sana kung nagkaanak kami ni Jean,”he said noong presscon ng “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak.” Two years old ang bunsong anak ni Rommel sa present partner niya.

Bukod kay Daniel, nag-aartista na rin ang dalawa pang anak ni Rommel (mother is non-showbiz) na sina Matt at RJ Padilla. Kasama ang mga ito sa “Sa Ngalan ng Ama,Ina at mga Anak.” Opening day nito ngayon sa mga sinehan nationwide.

Misteryo
Opening day din ngayon ng “Paranormal Activity: The Marked Ones” na prodyus ng United International Pictures at released ng Solar Entertainment. Tungkol ito sa isang misteryong bumabalot kay Jesse (Andrew Jacobs). Nagkaroon siya ng kakaibang kakayahan nang makagat sa braso ng isang tao.

Unti-unting nagbabago ang kanyang anyo, nawalan ng kontrol sa sarili at sinasapian ng kung anu-ano’ng kababalaghan. Nagsimula ito noong napatay ang babaeng kapitbahay ni Jesse. Suspect ang dati niyang ka-klase.Kakila-kilabot ang ending nito.

Taong ibon din pala
Mamaya sa “Adarna,”makikilala ng isang taong ibon si Bok at tatawagin siyang Agalon. Taong-ibon din pala si Bok,pero ipagkakaila niya.Ipapaalam ng mga ito kay Hiron na nakita na nila si Agalon kasama ang hinirang (Ada).

Sa pagtakas nina Bok, Ada at Migo,babangga ang sasakyan nila sa isang tulay.Maaabutan sila nina Robin at Jay. Magkakabanggaan ang mga sasakyan nila. Babarilin ni Robin si Ada,pero susunggaban siya ni Migo. Matatamaan sa braso si Bok.

comments