Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian at Heart di pa nagkakaayos

Marian at Heart di pa nagkakaayos

MARIAN Rivera and Heart Evangelista

by Rowena Agilada

NABUHAY na naman ang isyu kina Marian Rivera at Heart Evangelista. Akala pa naman namin okey na sila. May kinikimkim pa rin palang tampuhan ang dalawa. Nag-dialogue si Heart sa mga nakausap na reporters sa taping ng “Magkano Ba ang Pag-ibig?” na hindi sila friends ni Marian. Kung ayaw raw nito sa kanya, ayaw rin niya.

Noong nagkita naman ang dalawa sa “Startalk,” diumano, dinedma ni Heart si Marian. Noong presscon ng “Carmela,” nabanggit ni Marian na may isang tao ang hindi nambabati sa kanya. Si Heart pala ’yun.

Sa isang interbyu pa kay Heart, tinanong siya kung posible bang magkasama na sila ni Dingdong Dantes sa isang project, at aniya, malabo raw. Dahil kaya kay Marian… na baka tutulan nito? Remember, magtatambal sana sina Dingdong at Heart sa isang teleserye ng GMA7. Reportedly, tinutulan daw ’yun ni Marian.

May isyu rin kina Marian at Carla Abellana. Nagalit ang fans and supporters ni Marian sa post ni Carla na wala raw tatalo sa kanyang lola Delia Razon. Para sa kanya, ito ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw. Obviously, patama niya ’yun kay Marian dahil sa bago nito teleserye, “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw).”

Hindi tuloy maiwasang isipin ng fans and supporters ni Marian na may inggit factor kina Heart at Carla dahil si Marian ang Kapuso Primetime Queen?

Nag-trending
Natakot at nag-alala sina Mark Herras at Yasmien Kurdi noong nakagat ng dikya si Jennylyn Mercado sa taping nila ng “Rhodora X” sa Subic noong nakaraang linggo. Magka-eksena sina Jen at Mark sa dagat na kunwari’y nalulunod siya at sinasagip siya ni Mark.

Hindi namalayan ni Jen na nakagat na pala siya ng dikya sa kanyang braso na umabot hanggang kilikili niya. Pag-ahon nila, namula at nagpantal na ang kanyang braso. Medyo nag-panic sila dahil delikado ang kagat ng dikya. Agad namang nalapatan ng lunas ang kagat nito. Joke tuloy sa set, hindi raw kaya lalaking dikya ang kumagat kay Jen? Bakit daw si Mark ay dinedma nito at hindi kinagat?

In any case, nagpapasalamat ang cast ng “Rhodora X” sa magandang feeback sa kanilang teleserye. Nag-trending ito sa twitter worldwide at nag-Number 1 ang pilot telecast nito. Mapapanood mamayang gabi ang eksena sa dagat nina Mark at Jen. Malalaman kung bakit nagkaroon siya ng X sa dibdib.

Ok sa gay role, butt exposure
May kakaibang naramdaman si Dion Ignacio noong nag-shoot sila ng “Basement” sa isang lumang building somewhere in Manila. Ani Dion, pagdating niya sa location ay nakaramdam agad siya ng takot. Hindi raw niya maipaliwanag, pero tahimik lang siya at ayaw niyang ipahalata sa mga kasama niya na natatakot siya.

“Nangilabot ako. Feeling ko, tumindig ang mga balahibo ko. Kinalma ko na lang ang sarili ko dahil baka lalo akong takutin ng mga kasama ko. At saka, inisip ko, baka mapagalitan ako ni direk Topel (Lee),” lahad ni Dion.

Isang security guard ang role niya sa “Basement.” Aniya, first time siyang gumawa ng horror movie. “Mabuti na lang, gina-guide ako ni direk paano mag-express ng takot sa mukha ko na hindi magmumukhang pilit. Masarap katrabaho si direk. Very cool at supportive siya. Never siyang sumigaw sa set.”

Asked kung willing ba siyang tumanggap ng gay role, “Bakit naman hindi? Kahit may kissing scene o love scene pa sa kapuwa ko lalaki, game ako. Okey rin ako sa butt exposure,” matapang na sabi ni Dion.

Bagong TV project niya sa GMA7 ang “Inamorata” with Max Collins and Jackie Rice. Afternoon prime ito na ipalalabas next month.

comments