Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Robin nagpo-produce ng pelikula for BB

Robin nagpo-produce ng pelikula for BB

ROBIN Padilla

by Rowena Agilada

Kung pinayagan ni Robin Padilla mag-artista ang anak niyang si Kylie, ayaw naman niyang pag-artistahin ang bunso at only son na si Ali. Ani Robin, iba ang pangarap niya para kay Ali. Gusto niyang maging PMA cadet ito. Gusto niyang pag-aralin si Ali sa Philippine Military Academy sa Baguio.

“Magiging maligaya ako kung makakatapos si Ali ng pag-aaral. Sumasakit nga ang ulo ko sa kai-english niya. Parati ako nagma-migrane,”joke ni Robin.

Showing pa rin sa mga sinehan ang “Sa Ngalan ng Ama,Ina at mga Anak,”tampok ang Padilla clan kasama si Mariel Rodriguez. Magbabakasyon sa Sweden next month ang mag-asawang Robin at Mariel. Bale treat ‘yun ni Robin kay Mariel na tumulong sa kanyang RCP Productions na nag-prodyus ng SNAIA.

Pa-travel-travel lang muna si Mariel habang wala pa siyang regular TV show. Under negotiation pa kung babalik siya sa ABS-CBN.

Matuloy kaya?

BB GandanghariHindi natuloy si BB Gandanghari makasama sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak,”kaya may ibang naisip na project si Robin for his ate BB. Ipagpoprodyus niya ito ng isang pelikula na tailor-made for his ate.

Tungkol sa gay marriage ang tema. Siguro naman, hindi na ito tatanggihan ni BB . Tinanggihan niya ang role sa SNAIA dahil ayaw niya ng lalaking role na gusto sana for “her” ni Robin.

Sa pagkaalam namin, may sinulat na script noon si BB. Hindi kaya ‘yun ang gamitin ni Robin? At sino kaya ang magdidirek, if ever matuloy ang launching movie ni BB? Ano naman kaya ang nangyari sa script na sinulat ni Zoren Legaspi for BB? May press release noon si Zoren na gusto niyang siya ang mag-produce at mag-direk ng movie, sakaling tanggapin ‘yun ni BB.

Mga Kapuso na
Magkakasama na sa Kapuso Network ang magkakapatid na Mark, Ralph at Renz Fernandez. Pumirma kamakailan ng kontrata sa GMA 7 sina Ralph at Renz.

Si Mark ay napapanood sa bago niyang teleserye, “Rhodora X” with Jennylyn Mercado, Mark Herras and Yasmien Kurdi. Si Renz naman ay katatapos lang mapanood sa “Prinsesa ng Buhay Ko” with Kris Bernal and Aljur Abrenica.

Wish ni Mark na makasama niya sa isang teleserye sina Ralph at Renz. Nagkasama na sa isang episode ng “Magpakailanman” sina Mark at Ralph. Or sina Mark at Renz ba?

Mas maganda siguro kung pagsamahin sa isang project ang Fernandez siblings with Lorna Tolentino (mommy nina Ralph at Renz) na stepmom naman ni Mark. May 12-year old son si Mark, si Cameron na nasa showbiz na rin. Kasama ito sa grupong Gimme 5 sa ABS-CBN led by Nash Aguas.

***
Mamaya sa “Adarna,”dadalhin ni Bok si Ada kay Garuda. Pipigilan siya ni Migo. Magkakasuntukan sila. Itatakas ni Migo si Ada.

Dinala naman ng mga taong ibon si Lupe sa Pugad Sanghaya. Pupuntahan siya nina Ada at Migo. Ano kaya’ng mangyari? Tutok lang sa “Adarna” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA.

comments