Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Finally, Piolo at Toni magtatambal sa pelikula

Finally, Piolo at Toni magtatambal sa pelikula

Piolo Pascual and Toni Gonzaga

PRE-VALENTINE offering ng Star Cinema ang “Starting Over Again,” topbilled by Piolo Pascual and Toni Gonzaga. Matatandaang unang nagkatrabaho sina Piolo at Toni sa isang TV commercial kung saan sinabi ni Toni ang mga katagang “I love you, Piolo!” Doon nadiskober si Toni hanggang tuluyan niyang pinasok ang larangan ng showbiz.

Both are excited sa kanilang pre-Valentine movie na ipapalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Feb. 12. Dream come true kay Toni na magkapareha sila ni Piolo dahil simula noong lumipat siya sa ABS-CBN mula sa GMA, umasa siyang magkakaroon sila ng project together ni Piolo. But then, parating nauudlot dahil iba ang ka-love team ni Piolo.

Romantic-comedy ang “Starting Over Again” tungkol sa second chance. Ex-lovers sina Piolo at Toni. Nang muli silang magkita, may girlfriend na si Piolo, si Iza Calzado. Directed by Olivia Lamasan na noted sa mga kilig movies, muling pakikiligin ang mga manonood ng “Starting Over Again” sa mga sweet moments nina Piolo at Toni. Promise!

Arte-artehan
Arte-artehan naman sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Pine-playtime na naman nila ang press at ang publiko sa mga pahayag nila tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Guessing game again?

Ang paeklay ni Matteo, ayaw muna niyang magsalita at basta masaya lang daw sila ni Sarah. Very special daw sa kanya si Sarah at inspirasyon niya ito. Sa tamang panahon daw niya sasabihin ang gustong malaman ng lahat tungkol sa kanila ni Sarah bilang respeto sa ibang tao at sa kanilang respective families.

Tahimik din si Sarah at ayaw magsalita kahit ano’ng pangungulit sa kanya ng press. Ang sinasabi lang niya’y gusto niya ng isang lalaking maipaglalaban siya kahit kanino at ’yung may respeto sa kanyang pamilya. Si Matteo na kaya ’yun?

Break na pala
Nalungkot at naghinayang naman kami sa balitang break na sina Chynna Ortaleza at Railey Valeroso. Siya ’yung younger version ni Jomari Yllana sa itsura, pati sa acting. Dating artista si Railey na nakalabas sa ilang teleserye noon sa GMA7. Ten years or so yatang naging magkarelasyon sina Chynna at Railey.

Nag-quit sa showbiz si Railey at tinapos ang kanyang pag-aaral, samantalang ipinagpatuloy naman ni Chynna ang pag-aartista. Never naintriga ang kanilang relasyon dahil low-profile lang sina Chynna at Railey. Kung may tampuhan man sila, hindi nila ipinaaalam sa media. Hindi nila ginagawang isyu para mapag-usapan sila.

Ito ngang break-up nila, mukhang inilihim pa nila. Pero kahit ano’ng tago ang gawin nila, may nakaalam din. Kung ano ang dahilan ng kanilang break-up, ayaw pag-usapan ni Chynna. Basta tutok na lang siya sa kanyang trabaho. Kinakarir na niya ang kontrabida role gaya ng karakter niya sa “Adarna.” Kinaiinisan si Chynna ng fans ni Kylie Padilla dahil sa ginagawa niyang pang-aapi kay Kylie.

Paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Adarna,” lalo na ngayon na alam na ni Janelle (Chynna) na isang taong-ibon si Ada (Kylie).

comments