Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Celebrity weddings in 2014

Celebrity weddings in 2014

GWEN Zamora

by Rowena Agilada

UUNAHAN na ni Karylle ang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes magpakasal. Ikakasal na si Karylle sa March kay Yael Yuson (bokalista ng Spongecola). Late last year pa nabalitang ikakasal sila, pero tahimik lang si Karylle. No confirmation, no denial. Three and a half years na pala silang together ni Yael, pero tahimik din lang sila noon sa kanilang relasyon.

Kailan naman kaya magpapakasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera? May humula sa kanilang good year ito para magpakasal sila.

December last year nang ipaalam ng entertainment press kay Marian na ikakasal na si Karylle. Sa get-together niya ’yon with the movie press. “Yehey! Ikakasal na siya!” ang natatandaan naming sabi ni Marian.

Sina Drew Arellano at Iya Villania ang nag-buena mano sa pagpapakasal this year. Susunod na sina Karylle at Yael. Sa May naman ang beach wedding nina Jericho Rosales at Kim Jones. June bride naman si Ms. Boots Anson-Roa. Is it true, sa June rin magpapakasal sina Luis Manzano at Angel Locsin? ’Heard, ikakasal na rin ang nagkabalikang sina Joshua Zamora at Jopay Paguia (former Sex Bomb dancer).

Nag-propose na si Aiza Seguerra ng marriage sa girlfriend niyang si Liza Dino. Kailan naman kaya si Charice Pempengco sa GF niyang si Alyssa Quijano?

Feel na ring magpakasal nina Heart Evangelista at Toni Gonzaga. Waiting sila sa marriage proposal ng respective boyfriends nilang sina Senator Chiz Escudero at direk Paul Soriano. Sino-sino pa kaya ang ikakasal ngayong 2014?

Lola role
Hindi isyu kay Gwen Zamora kung naunahan pa siya ni Max Collins mabigyan ng big break ng GMA7. Galing sa ABS-CBN si Max, samantalang original Kapuso si Gwen. Naging leading lady si Max ni Dingdong Dantes sa “Pahiram ng Sandali” at sa bagong afternoon prime series na “Innamorata,” si Max ang female lead star.

Support lang si Gwen who plays Alejandra na lola ni Max (as Esperanza). May tampo ba siya sa GMA? “Wala akong tampo,” ani Gwen sa presscon. “I love my role. It’s challenging dahil mysterious ang character ko. Maraming misteryo ang mangyayari sa amin ni Esperanza. Sobrang thankful ako sa GMA for believing in me to play a mysterious character,” saad ni Gwen.

Lamang lang niya kay Max ay meron siyang love life. Si Max wala. Boyfriend ni Gwen ang anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez. Isa pang lamang ni Gwen kay Max ay nakagawa na siya ng isang international movie (nakalimutan lang namin ang title). Aniya, she might do another international movie to be shot in Indonesia.

V Day in US
Sa United States magse-celebrate ng Valentine ang mag-asawang Gary at Angeli Valenciano. May US concert series si Gary sa California, USA. Last Feb. 7, nag-show si Gary sa Chumash resort in Santa Barbara, California. On Feb. 16 sa Harrah’s Ricon, San Diego, California naman ang show.

Before he left, nagpunta si Gary sa Tacloban at Tanauan, Leyte at nag-show roon para sa typhoon Yolanda survivors.

Kasama niya sa kanyang US shows ang “X-Factor” Philippines top 12 finalists at ang AKA JA na all-girl vocal group. Dinalaw rin ng Valenciano couple ang anak nilang si Gabriel na nag-aaral sa Full Sail University sa Orlando, Florida. On April 11 and 12, may concert si Gary sa Smart-Araneta Coliseum in line sa celebration ng kanyang 30th anniversary in showbiz.

comments