Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek iniyakan ang Yolanda survivors

Derek iniyakan ang Yolanda survivors

Derek Ramsay, Angel Locsin and Luis Manzano

by Rowena Agilada

NAPAIYAK si Derek Ramsay noong nagpunta siya kamakailan sa Tacloban, Leyte kaugnay ng isang charity event doon. Aniya, naawa siya sa nakita niyang kalagayan ng typhoon Yolanda survivors. Hirap na hirap pa rin daw ang karamihan sa pamumuhay roon. May nakita raw siyang isang babaeng hubo’t hubad na pagala-gala sa kalye na napag-alaman niyang nabaliw sa sobrang depression.

Ayon pa kay Derek, may mga unclaimed body bags pa rin na napag-alaman niyang sa isang bag ay dalawa ang patay. Sampung bata naman daw ang nakalagay sa isang body bag.

“I cried noong nakita ko ang sitwasyon doon. Awang-awa ako sa kalagayan ng mga tao roon,” words to that effect na sabi ni Derek nang nakausap namin sa special screening ng “Bawat Sandali” sa studio ng TV5 sa Mandaluyong City. Aniya pa, may mga foreigner pa rin sa Tacloban na tumutulong sa Yolanda victims.

Natutuwa naman si Derek na nakatrabaho niya si Angel Aquino sa “Bawat Sandali.” Very professional daw ito, masarap at magaan katrabaho. Wala raw kiyeme si Angel sa love scenes nila sa naturang telesine.

Sa story, obsessed si Derek kay Angel kahit alam niyang may asawa’t anak na ito. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, parehas silang nakalimot sa kanilang mga sarili na humantong sa mainit nilang pagniniig.

Mapapanood ang “Bawat Sandali” on Feb. 25 sa TV5, hatid ng Studio5 Originals Movie. Mula sa direksiyon nina Eric Quizon at Joel Lamangan. Tampok din sina Yul Servo, Phillip Salvador at Mylene Dizon.

Happy couples
Nag-effort talaga si Luis Manzano puntahan si Angel Locsin sa taping nito ng “The Legal Wife” noong nakaraang Valentine’s Day. May dalang bouquet of red roses si Kulet for his Kite. Nai-post ’yun agad ni Angel sa kanyang Instagram account na kilig much ang mga nakabasa.

Sa “Buzz ng Bayan,” inamin na rin ni Luis na sila na uli ni Angel. “I’m proudly her boyfriend,” he said. Do we hear wedding bells soon?

Super duper happy couple rin sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nag-celebrate ng Valentine’s Day sa Balesin Island sa Quezon. Kakainggit ang mga ipinost na pictures nina Dingdong at Marian sa kanilang respective Instagram accounts. May post si Marian na, “Being happy with you is one of the reasons I celebrate the beauty of life, most especially on this day.”

May post din si Marian ng three red roses mula kay Dingdong na aniya, “Ang sweeeet, pag gising ko, ito agad bumungad sa akin. Salamat, mahal ko. Love you!”

May post naman si Dingdong ng kissing photo nila ni Marian na kilig much, nagpapakita ng sobrang love nila sa isa’t isa.

Love triangle
Successful ang mall show ng “Adarna” cast sa Gaisano Grand City Roxas parking lot noong nakaraang Sabado (Feb. 15) na pinamahalaan ng GMA Regional TV. Pinasaya at pinakilig nina Kylie Padilla, Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves ang fans and supporters ng kanilang fantaserye sa GMA7.

Bagong dagdag sa cast ng “Adarna” si Solenn Heussaff. Lumabas na kagabi ang karakter niya bilang Dayana. Siya ang Ibong Adarna na makaka-love triangle nina Migo (Geoff) at Ada (Kylie).

Samantala, paigting naman nang paigting ang mga kaganapan sa “Rhodora X.” Kahit positive ang resulta ng DNA test kay Rhodora (Jennylyn Mercado), may pagdududa pa rin si Lola Panchang (Boots Anson-Roa). Hindi pa niya lubos matanggap na apo niya si Rhodora. Magsisimula na ang paghihiganti ni Rhodora/Roxanne kay Angela (Yasmien Kurdi). Magiging pinakamatinding magkaaway ang magkapatid. Tutok lang gabi-gabi sa “Rhodora X” sa GMA7.

comments