Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » John Lloyd, Anne bawal nang mag-sampalan

John Lloyd, Anne bawal nang mag-sampalan

Denise Laurelby Rowena Agilada

Matapos ang sampalan incident na kinasangkutan nina Anne Curtis at John Lloyd Cruz sa isang bar, magkasama sila ngayon sa isang product endorsement. Naipost ni Anne sa kanyang Instagram account ang pictures nila ni JLC na hawak nito ang isang brand ng produkto para sa isang fitness challenge.

Nakabuti ang pananahimik ni John Lloyd sa isyu noon sa kanila ni Anne, kaya naging madali ang pagsasama nila sa isang product endorsement. Kailan naman kaya sila magkakatrabaho sa isang TV or movie project?

Namigay ng mga bangka
Nakapamigay na si Marian Rivera ng 100 bangka sa mga mangingisda sa Northern Cebu. A few days ago, nagpunta ang Kapuso PrimeTime Queen sa Bantayan Island, Cebu para personal na ipamigay ang mga bangka kaugnay ng kanyang Adopt-A-Bangka project.

Pinasalamatan ni Marian sa kanyang Instragram account ang mga taong tumulong at patuloy na sumusuporta sa proyekto niyang ito para mabigyan ng pangmatagalang kabuhayan ang mga mangingisda sa Northern Cebu na biktima ng bagyong Yolanda.

Kapuri-kapuri at kahanga-hanga si Marian dahil sa kabila ng kaabalahan niya sa kanyang showbiz commitments, naisingit pa rin niya sa kanyang iskedyul ang pagpunta sa Cebu dahil gusto niyang siya mismo ang mamigay ng mga bangka. Pwede namang magtalaga na lang siya ng mga tauhan niya para mamahala sa pagbibigay ng mga bangka.

Napagkamalan
Dinaan na lang ni Denise Laurel sa ngiti ang joke sa kanya ng entertainment writers sa presscon ng “Third Eye.” Tinawag siyang Deniece Cornejo. Aniya, magkatunog lang sila ng pangalan, pero magkaiba ng spelling. Noong una raw, naiinis siya sa mga nagbibiro sa kanya. Inakala pa raw ng ibang tao na siya si Deniece Cornejo at may mga nanlait at nagmura sa kanya sa twitter.

Nang lumabas na ang mga larawan ng tunay na Deniece sa mga dyaryo at TV , only then, na-relieve si Denise.Napatunayang magkaibang tao sila ni Deniece. Ani Denise, hindi magandang biro ‘yun sa kanya na slightly affected siya.

When told na kamukha siya ng kanyang lola Celia Diaz-Laurel, umaliwalas ang mukha ni Denise. “Ay, she likes it. Gusto niyang sinasabing magkamukha kami,”nakangiting sabi ni Denise. Uncle niya si Victor Laurel (anak ng kanyang lola Celia) na dating ka-love team ni Nora Aunor.

Engaged na si Denise sa kanyang Fil-Am cager fiance’ na si Solomon Mercado since September last year. Pero ani Denise, hindi pa sila magpapakasal this year. May 4-year old lovechild (boy) si Denise sa kanyang ex-boyfriend na isang Italian-American.

***
Mamaya sa “Rhodora X,” dinalaw ni Dra. Vivian (Irma Adlawan) si Rhodora (Jennylyn Mercado) sa bahay nito. Duda sa mga ikinikilos nito, dinala niya si Rhodora sa kanyang clinic.

Pinapirma ni Cita (Lollie Mara) si Angela sa pre-nup agreement. Nagselos si (Mark Herras) nang nakita niyang kino-comfort ni Nico (Mark Anthony Fernandez) si Angela (Yasmien Kurdi).

Sa “Adarna,” ilalayo nina Ada at Falco si Migo sa pugad Sanghaya. Babalik sina Ada at Agalon sa pugad ni Uwakro . Papayag na siyang pakasal kay Agalon para sa kaligtasan ni Migo.

Magtatapat ng pag-ibig si Falco kay Ada. Pero kaibigan lang ang turing niya rito. Masasaktan si Falco, kaya kakampi siya kay Garuda. Kakalabanin nila si Uwakro.

comments