Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Geoff, asiwa sa kissing scene

Geoff, asiwa sa kissing scene

Benjamin Alves and Kylie Padilla

by Rowena Agilada

Mala-Piolo Pascual na tawa ang narinig namin kay Benjamin Alves nang banggitin namin sa kanya si Sheena Halili. Naipost kasi ni Sheena sa kanyang Instagram account ang tulips flowers na binigay ni Benjamin sa kanya noong Valentine’s Day. Hindi naman nag-deny ang binata na aniya, may kasama pa ‘yung chocolates.

Walang malisya ‘yun, ayon kay Benjamin. Matagal na silang magkaibigan ni Sheena at nagkikita sila sa church sa Victory Fellowship.

Nang banggitin naman namin si Max Collins na meron na itong Pancho Magno at tila exclusively dating na sila, mala-Piolo Pascual na naman ang tawa ni Benjamin. “Okey lang. Pancho is a nice guy. I’m happy for them kung totoong nagdi-date sila,” wika ni Benjamin.

Hindi ba siya nanghinayang na hindi siya nag-pursue noon kay Max? “No! I hate that feeling na panghihinayangan mo ang isang bagay na hindi mo nagawa. Talagang gano’n ang buhay. May mga bagay na hindi talaga meant to be, di ba?” words to that effect na sabi ni Benjamin nang nakausap namin sa presscon ng “Adarna.”

Malapit na itong matapos na ani Benjamin, hindi pa niya alam kung ano’ng mangyayari sa karakter niya bilang Agalon. “I don’t know kung mamamatay ang karakter ko. Sana huwag. “

Awkward
Noong kunan pala ang kissing scene nina Geoff Eigenmann at Kylie Padilla sa “Adarna” ay awkward ang feeling niya, pagtatapat ni Geoff nang nakausap namin sa presscon nito. Aniya, parehas silang “taken” ni Kylie. He has Carla Abellana, she has Aljur Abrenica.

“Siyempre, naisip ko ‘yung respective partners namin. Parang nakakailang. But then, we had to do the scene. So, pilit ko na lang inalis sa isip ko na may karelasyon kami off-cam. at nag-focus ako sa karakter ko bilang Migo. I admire Kylie for being professional. She knows what she does. No hassles working with her,” lahad ni Geoff.

Ayon pa sa Kapuso actor, mami-miss niya working with Kylie and the rest of the cast ng “Adarna.” Sa March 4 ang last taping day nila at sa March 14 ang last airing nito. Wala pa siyang next project after “Adarna” ayon kay Geoff.

Sa tsikang magpapakasal na sila ni Carla Abellana this year, umiling si Geoff. Aniya, ikakasal sa November sa Pilipinas ang younger brother niyang si AJ at sa December naman ang sister ni Carla. “No wedding plans pa talaga. Napag-uusapan lang. I’m not getting any younger. I want to have my own family,” wika ni Geoff.

Nanghinayang
Nanghinayang si Kylie Padilla na hindi na makakapag-guest ang kanyang papa Robin sa pagtatapos ng “Adarna.” Ani Kylie, may mga bagay na hindi napagkasunduan. Besides, nag-e-enjoy sa pagbabakasyon ang kanyang papa Robin at tita Mariel Rodriguez sa Sweden. Hindi niya alam kung kailan ang balik ng mga ito sa Pilipinas.

Hindi pa nakakalipat si Kylie sa condominium unit niya sa Rockwell, Makati. Aniya, inaayos pa ang mga gamit niya roon. Excited na nga raw siya lumipat. Isang kasambahay lang ang makakasama niya sa kanyang condo, ayon kay Kylie.

Wala pa siyang next project after “Adarna” na given a chance, gusto niyang gumanap bilang isang psycho killer or lesbian. Gusto rin niya ng role na magrerebelde siya.

comments