Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pogays pinagbigyan ni Aljur

Pogays pinagbigyan ni Aljur

ALJUR Abrenica

by Rowena Agilada

DISAPPOINTED ang mga kasama naming pogays (becki) na entertainment writers na dumalaw sa taping ng “Kambal Sirena” sa Subic. Akala kasi nila, nakahubad si Aljur Abrenica sa kukunang eksena sa Ocean adventure. Eh, naka-costume ito ng trainor ng mga dolphin na balot na balot ang buong katawan.

Na-sense naman ni Aljur kung ano’ng gustong makita ng mga pogays, kaya bago niya isinuot ang kanyang black costume, hinubad niya ang kanyang t-shirt. Tilian at galak na galak ang mga pogays sa nakita nila ang 6-pack abs ni Aljur.

Bago mag-take, saglit naming nakausap si Aljur at aniya, noong una, kinakabahan siyang hawakan ang mga dolphin. Inaalalayan siya ng isang coach-trainor ng tamang paghawak sa dolphin. “Mababait sila. Para silang mga aso na kapag hinihimas mo, umaamo sila,” saad ni Aljur.
Tatlong dolphins ’yun na galing pa sa Japan at imported mula sa US ang food ng mga ito. Nakita nga namin ang dalawang dolphins na umahon mula sa dagat at nagpakitang gilas. ’Kaaliw!

Change topic kami at tinanong namin si Aljur kung girl ba ang kanyang handler? “Becki, safe ako (laughs),” sambit Aljur.

Aniya, hinangaan niya si Mark Herras sa pag-amin nitong may anak na siya. What if, mangyari rin ’yun sa kanya? “Ang hirap sagutin niyan. Ewan ko. Pero sana huwag mangyari na makabuntis ako ng ibang babae,” wika ni Aljur.

Aniya, going strong ang relasyon nila ni Kylie Padilla. Three years na silang together at masaya siyang tanggap na ng papa Robin ni Kylie ang kanilang relasyon. Hindi isyu sa kanila na magkaiba sila ng religion. Hindi nila kinukumbinse ang isa’t isa na sumanib sa kanilang respective religions… Islam si Kylie, born again Christian si Aljur. Pero aniya, pinapraktis pa rin niya ang mga paniniwala ng isang katoliko.

“Ang mahalaga ’yung komunikasyon mo kay God,” lahad ng Kapuso hunk.

Turning 24 si Aljur on March 24, pero wala si Kylie sa kanyang birthday celebration. Paalis ito on March 14 papuntang Australia para sa one-month vacation. Ani Aljur, matagal nang plano ’yun ni Kylie, kaya hindi niya ito pinigilan.

Wala raw siyang ini-expect na birthday gift from Kylie at sapat na ’yung pagmamahal nito sa kanya. For sure, may pasalubong naman kay Aljur si Kylie pagbalik nito mula sa Australia.

WYN WYN Marquez

Kontrabida
Ipinagpaliban ni Wynwin Marquez ang pag-join sa Bb. Pilipinas quest this year dahil aniya, bago pa lang siya nagte-training sa Mercator Talent Agency ni Jonas Gaffud. Marami pa siyang dapat matutunan, ayon kay Wynwin nang nakausap namin sa taping ng “Kambal Sirena” sa Subic.

Ani Wynwin, hindi pa niya alam kung saang beauty pageant siya magdyo-join… Bb. Pilipinas, Ms. World. Ms. Earth at iba pang beauty contest. “Kung saan ako babagay. Si tita Melanie (Marquez), sinabihan niya ako na tuturuan niya ako.”

Kontrabida ang role ni Wynwin sa “Kambal Sirena.” Aniya, okey lang kung nata-typecast siya sa ganitong role. Sa unang bahagi ng istorya, super in love sa kanya si Aljur Abrenica. Magkakaroon ng twist at mai-in love ito kay Louise delos Reyes, ang kambal sirena na Allona at Perlas.

About her love life, ani Wynwin, nililigawan siyang muli ng ex-non-showbiz boyfriend niya. Nasa dating stage uli sila.

Nagsosolo na ring manirahan si Wynwin sa dating bahay ng daddy (Joey Marquez) at mama (Alma Moreno) niya sa Tahanan Village, Paranaque. Sa Baclaran nakatira ang mama niya kasama ang mga kapatid niya, ayon kay Wynwin. Sa Alabang nakatira ang daddy niya.

Ani Wynwin, bihira silang magkita ng mama niya dahil sobrang busy ito sa kaiikot nationwide. Chairman si konsehala Alma ng Philippine Councilors League of the Philippines.

comments