Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Geoff at Carla nagkakalabuan?

Geoff at Carla nagkakalabuan?

Louise Delos Reyes

by Rowena Agilada

Ang ganda ng press presentation ng GMA7 para sa sirenaseryeng “Kambal Sirena.” Naka-mermaid costume si Louise delos Reyes na powder blue ang kulay ng kanyang buntot. Naka-costume rin ang ibang gumaganap na sirena na sina Rich Asuncion, Gladys Reyes at Angelika dela Cruz na iba-iba ang kulay ng kanilang buntot, gayun din si Polo Ravales na isang merman. May bubbles effect pa, kaya ang gandang tingnan habang nasa stage ang cast.

Naka-formal suit naman sina Aljur Abrenica, Mike Tan at Pancho Magno na kabilang sa mundo ng mga tao sa KS. Kasama rin sa cast sina Tessie Tomas, Lotlot de Leon, WinWyn Marquez, Mickey Ferriols at Ryan Eigenmann. No show sa presscon sina Nova Villa, Chanda Romero, Yul Servo at Hershey Garcia na gaganap bilang kambal na batang Louise.

Si Janno Gibbs ang lumikha ng music at lyrics ng theme song na pinamagatang “Sa Iyong Mundo” na kinanta nina Julie Anne San Jose at Rita de Guzman noong presscon. Base sa ipinakitang trailer ng “Kambal Sirena,” mukhang kaabang-abang talaga ang sirenaseryeng ito na si Dondon Santos ang direktor. Mapapanood ito simula sa Lunes (March 10) pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.

GF sa dilim
Confident si Rich Asuncion na hindi siya pagseselosan ni Kylie Padilla ngayong magkatrabaho sila ni Aljur Abrenica sa “Kambal Sirena.” Open secret sa showbiz na nagkaroon ng “something” noon sina Aljur at Rich. Natawa nga ang dalaga nang sabihin naming siya ang “girlfriend sa dilim” noon ni Aljur. Hindi nila maamin noon na may relasyon sila dahil si Kris Bernal ang ka-love team ni Aljur.

Ani Rich, hindi pa niya alam kung magkakaroon sila ng eksena ni Aljur sa “Kambal Sirena.”She plays Betilya, ang kaibigang sirena ni Damos (Yul Servo). Si Kevin naman si Aljur na iibig kina Perlas at Alona (Louise delos Reyes), ang kambal sirena.

Ayon kay Rich, talagang kinarir niya ang pagpapapayat para sa role niya. Nag-diet siya, no rice at chicken lang ang kinakain niya. Nag-HCG (kung anuman ‘yun ) aniya for 20 days. Nag-diving lessons din siya kay Jess Lapid,Jr. “Licensed diver na ako ngayon,”pagmamalaki ni Rich. Kaya na niyang mag-dive mula 60 to 80 ft. or more.

Single siya since last year,ayon kay Rich. After Aljur, naging boyfriend niya si Ervic Vijandre, “Pero sandali lang. After him, may dalawa pa akong naging boyfriend, hindi showbiz. Ayoko na munang mag-BF. Nakakasira sa career (laughs),”wika ni Rich.

Nagkakalabuan?
How true, diumano nagkakalabuan ang relasyon nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana? Nakakaintriga at makahulugan ang mga post ni Geoff sa kanyang Instagram account na parang pahiwatig sa pagbabago ng tao, pangyayari ,simpleng bagay na nagiging kumplikado. Nangangamoy falling out of love kaya? Sino sa kanilang dalawa? May kinalaman kaya ‘yung sinabi ni Carla na hindi romantic at sweet person si Geoff?

Malalaman din naman ang katotohanan sa namamagitang relasyon kina Geoff at Carla. Sayang kung mauuwi sa hiwalayan ang three years na pinagsamahan nila. Hindi katanggap-tanggap kung ang dahilan ay lack of time for each other.

Nag-last taping day na ang “Adarna” noong March 4 at final episode na nito mamayang gabi. May time na si Geoff para magkita at magkasama na sila madalas ni Carla. Wala pa ring pinagkakaabalahang bagong project ang dalaga na “My Husband’s Lover” ang huling teleserye sa GMA7.

Samantala, abangan ang mga kaganapan sa pagtatapos ng “Adarna” ngayong gabi. Happy ending kaya for Migo (Geoff) and Ada (Kylie Padilla)? Ano’ng mangyayari sa mga karakter nina Agalon /Bok (Benjamin Alves) at Falco (Mikael Daez) na parehas umiibig kay Ada?

comments