Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » May vote buying sa Star Awards?

May vote buying sa Star Awards?

ALJUR Abrenica and Alden Richards

by Rowena Agilada

ANO kayang reaction ni Gabby Concepcion na kay Sharon Cuneta lang idinedicate ng anak nilang si KC Concepcion ang kanyang trophy sa panalo niya bilang Movie Actress of the Year sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies? Si Sharon din lang ang pinasalamatan ni KC sa kanyang Instagram account.

Nai-post pa ni KC ang text message sa kanya ng mama Sharon niya. Sobrang proud ang megastar kay KC at deserve raw talaga nito ang award.

Eh, si Gabby? Nag-text na kaya siya kay KC para batiin ito? Teka lang, missing in action ang actor at hindi siya nagpaparamdam. Nasa US ba siya ngayon? Wala kaming nababalitaang may gagawin siyang bagong teleserye o pelikula.

Binayaran lang?
Hala! Ibinuking ni Jobert Sucaldito na diumano’y may vote buying sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies. Diumano, binayaran lang ang voting members kaya nanalong Movie Actor of the Year si Vice Ganda. Ano kayang depensa rito ng PMPC?

Ayon pa kay Jobert, bago ganapin ang Awards Night, may ilang miyembro ang nagsabi sa kanyang si Joel Torre ang rightful winner para sa pelikulang “On the Job.” Pero hindi raw kayang magbayad ng kampo nito, kaya hindi nila ito ibinoboto. Ano kayang reaction dito ni Joel at ng PMPC? Jobert versus PMPC, abangan na lang ang mga kaganapan sa controversial issue na ito.

Sino’ng mas magaling?
Ayaw patulan nina Aljur Abrenica at Alden Richards ang intriga kung sino sa kanila ang mas magaling umarte. Ayaw nilang magpaapekto sa mga naririnig nilang komento at anila, basta kapuwa nila pinagbubuti ang kanilang trabaho.

Kaabang-abang ang unang pagsasama nina Aljur at Alden sa episode ng “Magpakailanman” na mapapanood ngayong Sabado sa GMA7. Magkakaalaman na kung sino sa dalawang Kapuso actors ang mas magaling umarte.

Gaganap bilang magkapatid sina Ajur (as Joel) at Alden (as Jovel) sa episode na pinamagatang “Gas Mo, Bukas Ko” at makakasama rin nila si Charee Pineda bilang Cynthia na asawa ni Joel.

Nag-away
Hindi pa rin “mamatay-matay” ang live-in issue kina Jake Vargas at Bea Binene. Itinanggi na ito ni Jake and his manager, German Moreno. Pero persistent ang rumor tungkol sa dalawang Kapuso stars. Nag-aalala ang mga concerned people kina Bea at Jake na makakasira sa kanilang respective careers kung totoo ang isyu.

Hindi kaya dapat ay magpainterbyu na sina Jake at Bea sa “Startalk” para linawin ang live-in issue sa kanila? For the past several weeks na pinag-uusapan ang isyu.

Naguguluhan lang kami sa mga naririnig naming tsika. Ang sabi, nag-away ang mommy ni Bea at isang sister ni Jake. Pero itinanggi ito ni Jake. Nang tanungin namin si kuya Germs kung totoo ba ’yun, ang sabi naman niya, si Bea and her mom ang nag-away. Pinagsabihan daw si Bea na huwag muna silang magseryoso ni Jake sa kanilang relasyon. “Ang sabi ko naman, hayaan na lang maging masaya ang mga bata. Magsilbing inspirasyon sila sa isa’t isa,” saad ni kuya Germs.

comments