Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marvin not ready for serious relationship

Marvin not ready for serious relationship

MARVIN Agustin

MARVIN Agustin

by Rowena Agilada

MAY bago na namang restaurant si Marvin Agustin, ang Boquiera na matatagpuan sa 3rd level ng SM Megamall Fashion Hall sa Mandaluyong. Spanish dishes ang isine-serve roon. Pinatikim kami ni Marvin ng iba’t ibang putahe noong nakausap namin siya sa pocket presscon ng TV5 para sa “Obsession,” psycho drama thriller na tinatampukan niya.

Pang-28th restaurant na ito ni Marvin. ’Yung mga nauna’y Japanese at Filipino dishes ang specialty. Non-showbiz ang business partners niya. Sa Boquiera, bukod sa non-showbiz personalities, kasosyo rin ni Marvin sina Malou Santos, Orly Ilacad, Liz Uy, Mylene Dizon at Agot Isidro na showbiz friends niya.

Kahit super busy si Marvin sa kanyang restaurant business, aniya, hindi niya kayang iwan ang showbiz. “I love acting. Basta maganda ang project tulad nitong ‘Obsession’ at kaya ng schedule ko, tinatanggap ko,” saad ni Marvin.

Last four weeks na lang ang “Obsession” at aniya, maraming exciting twists ang mangyayari. Abangan daw kung sino-sino sa mga karakter ang pagpapalitin niya ng mukha. He plays Dr. Ramon Mendoza na isang cosmetic surgeon na sobrang obsessed kay Vanessa (Bianca King).

Di pa handa
Nine years old na ang kambal na anak ni Marvin na sina Santiago at Sebastian. Nasa poder sila ng nanay nilang si Tetet Dy at weekends ay na kay Marvin ang kambal. Ani Marvin, sanay na ang mga ito sa ganoong set-up since birth. Six years old pa lang ang mga ito’y ipinaliwanag na nila ang sitwasyon.

“Basta masaya sila. Hindi na sila nagtatanong. Baka magtaka pa sila kung makita nilang magkakasama kami sa isang bahay. Minsan, magkakasama kaming nagdi-dinner with Tet. Ako ang mas disciplinarian sa pagpapalaki sa mga anak namin,” anang actor-restaurateur.

Kailan naman siya magpapakasal? “I’m not yet ready for a serious relationship. Obsessed ako sa kambal ko, sa mga negosyo ko at sa showbiz career ko,” wika ni Marvin.

ELLEN Adarna

Todo-bigay
Sa loob ng isang kotse kinunan ang passionate kissing scene nina JC de Vera at Ellen Adarna sa “Moon of Desire” at anang huli, nag-enjoy siya at talagang ginalingan niya. “Guwapo at desirable si JC,” kilig-kiligang sabi ni Ellen noong presscon.

Sabi naman ni JC, todo-bigay si Ellen at very cooperative. “Wala na siyang tanong-tanong. Walang kiyeme at alam na niya ang gagawin. She’s very daring, sexy at confident magpakita ng katawan.”

“If people think I’m sexy. Okey lang. Wala akong pakialam,” sambit naman ni Ellen. Aniya, dati siyang party girl. Liberated siya. She was 18 years old noong tinuruan siya ng daddy niyang maging independent. “He disowned me for a time noong nag-showbiz ako. Foolish daw kasi,” ani Ellen.

Rich ang pamilya nila sa Cebu kung saan may hotel business ang daddy niya. Nag-aral si Ellen sa isang international school. Pero dahil pasaway siya sa parents niya, hindi siya nakatapos sa pag-aaral. Napilitan siyang magtrabaho para maka-survive hanggang napasok siya sa showbiz.

Si Ellen ang ka-love triangle nina JC de Vera at Meg Imperial sa “Moon of Desire” na mapapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN simula sa March 31 pagkatapos ng “It’s Showtime.” Tampok din sina Dawn Jimenez, Beauty Gonzales, Dominic Roque, Miko Raval, Franco Daza, Carmi Martin, Precious Lara Quigaman at Perla Bautista. Sa ilalim ito ng direksiyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

comments