Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ara, Katrina hindi buntis

Ara, Katrina hindi buntis

ARA Mina

by Rowena Agilada

FALSE alarm ang balitang buntis sina Ara Mina at Katrina Halili. Nagulat pa si Ara sa lumabas na report na three months pregnant siya nang makunan. Aniya sa isang interbyu, gusto na nga niyang magka-baby. Si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan ang boyfriend ni Ara.

Pero ayon sa aktres, kung magkaka-baby siya, gusto niya’y kapag kasal na sila ng kanyang boyfriend. Hinihintay na nga niyang alukin siya nito ng kasal. She’s not getting any younger at turning 35 na si Ara sa birthday niya in May.

KATRINA Hailili

Sa pamamagitan naman ni Kris Lawrence, itinanggi niyang buntis si Katrina Halili. Baka raw next year pa nila sundan ang panganay nilang si Katie na magtu-two years old sa September. Baby boy ang gusto ni Kris sa susunod nilang anak ni Katrina.

Tulad nina Ara at Mayor Patrick, hindi nagli-live-in sina Kris at Katrina. Sleep-over partners sina Ara at Mayor Patrick. Neighbors naman sina Kris at Katrina sa New Manila, QC. Si Kris ang nagpupunta sa bahay ni Katrina para dalawin ang kanyang mag-ina. Hindi pa rin nila napag-uusapan ang pagpapakasal. If ever, si Baby Katie ang flower girl, ayon kay Kris.

Solenn Heussaff

Enjoy!
Si Solenn Heussaff ang ipinalit kay Ellen Adarna bilang leading lady ni Vhong Navarro sa “Da Possessed” ng Star Cinema. Thankful si Solenn na pinayagan siya ng Regal Entertainment na lumabas sa naturang film outfit kahit nakakontrata siya sa Regal.

Enjoy si Solenn sa shooting ng pelikula dahil nailalabas niya ang pagkakikay niya. Horror-comedy ito na si Joyce Bernal ang direktor. Enjoy si Solenn katrabaho si Vhong na kahit may pinagdaraanan, pag nasa set sila’y parang wala lang kay Vhong. He is very professional at pag take na, give na give si Vhong sa kanyang mga eksena. Kayang-kaya pa rin niyang magpatawa at hindi iisiping may problema siya kaugnay ng kinasangkutan niyang bugbugan issue.

JOYCE Ching

Drug addict
Replay ang episode na mapapanood ngayong Sabado sa “Magpakailanman.” Pinamagatang “Pakawalang Anghel: The Michelle Perez Story,” tampok si Joyce Ching sa isang mapanghamong pagganap. Isa siyang ampon na minahal at itinuring na parang tunay na anak ng mag-asawang umampon sa kanya.

Sa isang out-of-town trip, kasama ang kanyang mga kaibigan ay minolestiya si Michelle (Joyce). Inilihim niya ito sa kanyang adoptive parents. Para makalimot, nag-drugs si Michelle hanggang nakilala niya si Allan, ang lalaking makakabuntis sa kanya. Lulong din ito sa masamang bisyo, kaya lalong napasama ang buhay ni Michelle.

Tampok din sina Ruru Madrid, Teejay Marquez, Jomari Yllana, Ehra Madrigal, Arthur Solinap, Yayo Aguila at Lenlen Frial. Mula sa direksiyon ni Gina Alajar. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA 7.

comments