Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » James to Ai-Ai: ‘Date-date lang, wag nang boyfriend’

James to Ai-Ai: ‘Date-date lang, wag nang boyfriend’

AI AI Delas Alas

by Rowena Agilada

KILIG-KILIGAN at animo’y teenager si Ai-Ai delas Alas noong nagkita sila ni Dennis Trillo sa presscon ng PEP para sa announcement ng The PEP List 2013. Hiya-hiyaan pa si Ai-Ai at aniya’y talagang nag-effort siya sa suot niya para lang kay Dennis. Sleeveless at plunging neckline na pang-itaas at maong pants ang attire ni Ai-Ai. Siya ang nag-host ng event.

Ewan kung paeklat, pakilig lang o seryoso si Dennis nang sabihin niyang kinabahan siya at nagulat noong nalaman niyang ’andun si Ai-Ai. Teenager ang peg? Sey pa ni Dennis, na-starstruck siya noong nagkita at nagkatabi sila ni Ai-Ai sa upuan noong PMPC Star Awards for TV. Pareho silang Dekada Awardees.

Kasamang dumating ni Dennis si Tom Rodriguez. Sila ang napiling Celebrity Pair of the Year ng The PEP List 2013. Dumating din sa presscon si James Yap na hinirang na Male Newsmaker of the Year. Si Kim Chiu ang Female Newsmaker of the Year at TV Female Star of the Year na wala sa presscon. Andun din si Renz Valerio na Male Child Star of the Year at si Ryzza Mae Dizon (wala rin sa presscon) ang Female Child Star of the Year.

Ang iba pang awardees na wala sa presscon ay sina Vic Sotto, TV Male Star of the Year; Joey de Leon at Nora Aunor, Showbiz Treasures of the Year; Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, Teen Stars of the Year; Xian Lim at Lovi Poe, Breakout Stars of the Year; at Daniel Padilla, OPM Artist of the Year. Patapos na ang presscon nang dumating si Daniel. Gaganapin ang Awards Night ng The PEP List 2013 on May 20 sa Solaire Resort and Casino.

Parating excited
Magkatabi sa upuan sina Ai-Ai delas Alas at James Yap noong presscon ng PEP at anang Comedy Queen, tinuturuan niya si James kung paano maging mabuting ama sa anak nitong si Bimby at kung paano matutuwa ang ina nitong si Kris Aquino. “Mahal na mahal kasi ni James ang anak niya,” saad ni Ai-Ai.

Sabi naman ni James, talagang nag-e-effort siyang mapalapit sa kanya si Bimby. Gusto nga niyang sana’y araw-araw silang nagkikitang mag-ama. Once a week lang kasi sila nakakapag-bonding, every Friday. Ani James, parati siyang excited kapag Biyernes. Noong una raw silang nagkita after his birthday last February, ayaw lumapit sa kanya si Bimby.

“Si Josh muna ang pinasakay ko sa scooter ko para mainggit si Bimby. Tapos, ’yun sumakay na siya, kaming tatlo. Ang saya-saya niya. Hindi na siya galit sa akin. Gusto ko talaga maging close kami,” saad ni James.

Ano naman ang payo niya kay Ai-Ai pagdating sa love life? “Sabi ko sa kanya, date-date na lang siya. Huwag na siya mag-boyfriend,” sambit ni James. Nang tanungin si Ai-Ai kung kailan uli sila magiging friends ni Kris, ngumiti lang siya.
Birthday wish

Dion Ignacio turned 28 years old last March 28. A few days before his birthday, nagpunta siya sa Bagong Silangan Elementary School at nag-donate ng drums and lyres. Birthday wish niya’y sunud-sunod na trabaho bukod sa good health for him at sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang daddy. May kidney failure ito at three months nang nagda-dialysis. Twice a week ’yun at P16,000 a month ang kailangan. Lima silang magkakapatid at dalawa sa mga ito’y pinag-aaral ni Dion, isang high school at isang college. Tapos na ng Nursing ’yung isang sister niya, pero sa Call Center ito nagtatrabaho.

“Kailangan ko talagang magtrabaho. Okey lang kahit napupuyat at napapagod ako sa taping namin (“Innamorata”). Para sa pamilya ko. Kailangan ng daddy ko ng kidney transplant at pinag-iipunan ko ’yun. Ako lang ang talagang inaasahan sa pamilya namin,” wika ni Dion nang nakausap namin sa taping ng “Innamorata” sa Antipolo.

Isang matadero sa palengke ang role ni Dion at aniya, kahit papano’y nakaka-relate siya. In real life, mahirap sila at nagsisikap siya para sa kanyang pamilya.

comments