Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Yasmien due for throat surgery

Yasmien due for throat surgery

Mark Herras and YASMIEN Kurdi

by Rowena Agilada

TATAPUSIN lang ni Yasmien Kurdi ang “Rhodora X” at saka siya magpapaopera sa kanyang lalamunan. Nakita sa ginawang X-ray sa lalamunan niyang meron siyang cyst. Natakot siya noong una, ayon kay Yas nang nakausap namin sa taping.

Depress-depressan siya. Kaya raw pala paos ang kanyang boses at masakit ang lalamunan niya. Nahihirapan siyang huminga, kumain at lumunok.

Aniya pa, one month siyang hindi pwedeng magsalita pagkatapos ng operasyon sa kanya. In-assure naman ng kanyang doktor na madali lang ang operasyon at hindi ito delikado.

Kaso lang, extended ang “Rhodora X,” kaya hindi pa makapagpa-schedule ng operation si Yasmien. Busy-bisihan pa siya sa taping at sa regional tour para sa promotion nito.

Hindi ba siya nai-insecure kay Jennylyn Mercado na mas markado ang role nito sa “Rhodora X”? “No! Not at all,” sabi ni Yas. “Happy ako for her dahil napapansin ang acting niya. Mahirap ’yung ginagawa ni Jen. Tatlo ang pinagpapalit-palit niyang karakter. I just do my best sa role ko bilang Angela.”

Team work sila ni Jen, ayon pa kay Yasmien. Kapag magka-eksena sila, they support each other. Walang sapawan. Walang kabugan. Ang ikinatatakot lang ni Yasmien ay ’yung bashers na pinagbabantaang papatayin daw siya dahil sa pang-aaway niya kay Rhodora (Jennylyn).

Walang utang
Sa Dasmarinas, Cavite malapit sa The Orchard Golf and Country Club ’yung ginagamit na bahay nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa “Rhodora X.” Maganda at malaki ang tila mansion na kulay puti. Mahangin ang kapaligiran. Nakausap namin si Mark at itinanggi niyang may utang sa kanya si Nadia Montenegro. Matagal na ’yung usap-usapan sa showbiz kahit noong “sila” pa ng anak nitong si Ynna Asistio.

“Wala! Walang utang at never umutang sa akin si tita Nadia,” sabi ni Mark. “Huwag na nating pag-usapan ’yun.”

Ayon pa kay Mark noon pa niya gustong sabihin kay Ynna na may anak na siya. Hindi lang daw niya alam kung paano. “Alam ko, nasaktan ko si Ynna. Pero okey naman kami,” ani Mark.

Nakaka-relate siya sa role niya sa “Rhodora X” dahil girl ang anak nila rito ni Jennyly. In real life, girl din ang anak ni Mark na si baby Ada. Ayon pa kay Mark, hindi na sila nagkakailangan ni Jen kapag may intimate scenes sila sa “Rhodora X.” Sobrang komportable na sila sa isa’t isa na pilyo pang sabi ni Mark, “Pa-simple-simpleng hipo (laughs).”

Posible kayang magkagustuhan uli sila ni Jen? Pareho naman silang single ngayon. “Ewan ko. Hindi ko masabi. Basta, we’re okey. Sa ngayon kasi, hindi ako naghahanap ng babae. Akala ko nga, noong naghiwalay kami ni Ynna, magiging babaero ako. Hindi, eh! Naka-focus ako sa anak ko ngayon, 80% at 20% lang sa sarili ko.”

comments