Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek, Regal baby na, doing film with Marian

Derek, Regal baby na, doing film with Marian

Derek Ramsay

by Rowena Agilada

CERTIFIED Regal baby na rin si Derek Ramsay. Pumirma siya ng 3-picture contract last Thursday (April 10) sa Regal Entertainment. Ginanap ang pirmahan sa Imperial Palace Suites. Present sina Jojie Dingcong (Derek’s manager), ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde at ilang entertainment writers.

Isa sa naka-line up na project ni Derek ay pelikulang pagtatambalan nila ni Marian Rivera and possibly, another one with Kris Aquino na na-link kay Derek. Agad-agad naman niyang itinanggi na may something between them. “Kris and I are really good friends. She’s a family friend at never kaming nag-date,” Derek stressed noong contract-signing niya cum presscon.

Aniya, he’s seeing someone at masaya ang puso niya ngayon. Gusto niyang maging private ang kanyang love life, kaya he begged off na magbigay pa ng detalye.

Dream come true
Ayon naman kay Mother Lily, dream come true for her na Regal baby na si Derek Ramsay. Aniya, matagal na niya itong “nililigawan.” Hindi lang nagtutugma ang schedule ni Derek sa inilalatag na project ng Regal Entertainment.

Anang aktor, excited siyang masimulan na ang project nila ni Marian Rivera. “It would be fantastic. She’s very down-to-earth,” sambit ni Derek. Open din daw siya to work with his ex-girlfriend Solenn Heussaff. “It would be really cool. Gumagaling na siyang magsalita ng Tagalog. I love to do a project with her,” he said.

Nabanggit din ni Derek na siya pa rin ang magho-host ng “Amazing Race (Philippines)” sa TV5. He’s leaving for Brazil para sa gaganaping World Cup. May gagawin din siyang teleserye with Aga Muhlach sa Kapatid Network. Tinatapos pa ni Derek ang pelikulang “Trophy Wife” with ex-GF Cristine Reyes.

Galing-galing!
Habang hinihintay ang pagdating ni Derek Ramsay sa contract-signing cum presscon, napag-usapan ng entertainment press sina QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Kris Aquino. Naki-join din si Mother Lily sa tsikahan. Aniya, kawawa naman daw si Mayor HB dahil ang bait-bait nito.

Nagtanungan ang press, hanggang kailan naman daw kaya ang relasyon ng dalawa? Paano raw kung magsawa na si Kris? Saan daw pupulutin si Mayor HB? Curious din ang press kung paano nagsimula ang love story ng dalawa at kailan sila naging close.

Isang writer ang nagsabing kaya raw siguro inamin na ni Kris na “sila” na ni Mayor HB ay dahil itinanggi siya ni Derek Ramsay. May gano’ng factor? “Ang galing-galing talaga ni Kris kapag gusto niyang mapag-usapan. Ang galing niyang tumayming. Matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram account ng picture na may caption na ‘Family dinner,’ kung saan kasama si Mayor HB, sinundan niya ito ng pag-amin on national TV sa kanilang relasyon,” sabi ng isang writer.

Nakikisimpatiya naman ang karamihan ng writers kay Tates Gana, long-time partner ni Mayor HB. Anang isang writer, more than 20 years ang pinagsamahan nila simula pa noong vice mayor pa lang si Bistek.
Dating nagtatrabaho sa Manila Hotel si Tates at ayon sa isang close friend-reporter nito, well-off ang pamilya nito. “Press-friendly si Tates,” sabi naman ng isang reporter. “Madali siyang lapitan kapag may nangangailangan ng tulong. Agad-agad, inaaksiyunan ni Tates.”

And more
May two-night show ang cast ng “Tropa Mo Ko Unli” sa Abu Dhabi at Dubai. Kagabi sa Al Jaheli Theater Armed Forces Officers Club and Hotel sa Abu Dhabi at mamayang 7 p.m. sa Boracay Club, Asiana Hotel sa Dubai. Tampok sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Alwyn Uytingco, Valeen Montenegro, Ritz Azul, Edgar Allan Guzman at Empoy. Special guest si Iwa Moto.

Magte-taping din doon ang cast ng “Tropa Mo Ko Unli” para sa kanilang summer episodes… Abangan tonight sa “Magpakailanman” si Carla Abellana sa episode na pinamagatang “Sinapupunang Paupahan.” Gaganap siya bilang isang baby maker. Tampok din sina Ryan Eigenmann, Ina Feleo at Jenine Desiderio. Directed by Laurice Guillen.

comments