Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jinkee ayaw nang lumaban pa si Manny

Jinkee ayaw nang lumaban pa si Manny

MANNY Pacquiao

by Rowena Agilada

MAY kasabihang may hatid na suwerte ang babaeng buntis kaya nanalo si Manny Pacquiao sa boxing bout nila ni Timothy Bradley. Malapit nang isilang ni Jinkee Pacquiao ang ikalimang anak nila ni Manny na pinangalanan nilang Israel. Nagsilbing lucky charms ni Manny ang kanyang mag-ina.

Biblical name pa ang Israel at nagkataon ding Palm Sunday ang laban nina Pacquaio at Bradley. Muling nakabawi si Pacquiao na tinalo ni Bradley sa laban nila noong 2012. Sa kanilang rematch, wagi si Pacquaio by unanimous decision. Nagbubunyi na naman ang sambayanang Pilipino sa kanyang panalo. Mabuhay ka, Manny Pacquiao!

Napaiyak si Jinkee nang iproklamang panalo ang kanyang asawa. Sa TV interview sa kanya tinanong si Jinkee kung huling laban na ba ’yun ni Manny, aniya, ito lang ang pwedeng magdesisyon. Pero kung siya (Jinkee) ang masusunod, ayaw na niyang lumaban pa si Manny.

Derek Ramsay

Excited
Kung excited si Derek Ramsay sa first team-up nila ni Marian Rivera sa Regal Entertainment, ganoon din ang Kapuso Primetime Queen. Thankful din si Marian sa mga papuri ng hunk actor sa kanya.

Last week, pumirma ng movie contract si Derek sa Regal Entertainment at ayon kay Mother Lily Monteverde, uunahin ang project na pagtatambalan nina Marian at Derek.

Ayon kay Marian, wala pang konkretong inilalatag na project for her at kung sakaling may pagka-sexy and daring ito, kailangang pag-usapan nila ’yun ng kanyang manager. May mga limitations siya, ayon kay Marian.

Inaayos pa
Matagal nang isyu ’yung diumano’y kasal na si Derek Ramsay sa isang non-showbiz girl. Diumano pa rin, ’yun ang dahilan kaya hindi niya mapakasalan si Angelica Panganiban noong sila pa ang magkarelasyon na umabot ng anim na taon.

Sa contract-signing niya sa Regal Entertainment cum presscon, tinanong ang hunk actor kung handa na ba siyang magpakasal muli. “Hindi pa. Inaayos pa ’yung problema. Alam n’yo naman ’yun,” Derek was quoted as saying.

Inamin niyang he’s seeing someone at masaya ang puso niya ngayon. Aniya pa, he’s getting older at gusto rin niyang someday soon ay magkaroon ng lifetime partner. For now, ini-enjoy lang muna ni Derek ang special relationship niya sa isang non-showbiz girl.

EB’s Lenten Specials
Tampok ngayong Holy Tuesday sa Lenten Special ng “Eat Bulaga” ang dalawang madamdaming kuwento na inspired ng totoong buhay. Sa unang kuwentong pinamagatang “Hakbang sa Pangarap,” tampok sina Michael V., Wally Bayola, Joey de Leon with Bea Binene and Assunta de Rossi. Masusubukan ang kakayahan nina Michael, Wally at Joey sa pagdadrama. Directed by Jun Lana.

Tampok naman sa “Kulungan, Kanlungan” sina Maricel Soriano, Pia Guanio, Keempee de Leon, Isabelle Daza at BJ “To-lits” Forbes. Mula sa direksiyon ni Gina Alajar.

Bukas naman (Holy Wednesday) sina Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Krystal Reyes at Valerie Weigman ang starring sa drama special na pinamagatang “Anyo ng Pag-ibig” mula sa direksiyon ni Mike Tuviera. Kasunod nito ang “Pangalawang Bukas” with Vic Sotto, Jose Manalo, Anjo Yllana and Ryzza Mae Dizon, directed by Bibeth Orteza. Would you believe, gaganap si Vic bilang isang pari?

Sa Sabado de Gloria, (April 19), tampok naman sina Marian Rivera at Luis Alandy sa “Panalangin.” Mapapanood ito at 7:30 p.m. sa GMA7.

comments