Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong at Marian nag-Holy Week sa Japan

Dingdong at Marian nag-Holy Week sa Japan

Marian Rivera and Dingdong Dantes

by Rowena Agilada

NATULOY rin sa Japan nitong nakaraang Holy Week sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naaprubahan ang kanilang visa, kaya doon sila nagpalipas ng Semana Santa.

Nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts sina Dingdong at Marian ng kanilang pictures kuha sa mga lugar na pinuntahan nila sa Japan. Wala lang silang nai-post na kuha sa cherry blossoms na gustung-gusto pa namang makita ni Marian. Baka naman lipas na ang mga ito.

Sa Japan din nag-Holy Week sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel kasama ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy. Gustung-gusto rin ni Carmina ang cherry blossoms. Hindi ba nga’t noong kasal nila ni Zoren ay pinagayakan nito ang venue na may puno na mala-cherry blossoms?

Doting father
Birthday kahapon ni Regine Velasquez at sa Hong Kong siya nag-celebrate kasama ang anak na si Nate at ang buong Velasquez family. For sure, na-miss nila si Mang Gerry na yumao noong February this year.

From Australia, tumuloy si Ogie Alcasid sa Hong Kong para sa birthday celebration ng misis niya. Dinalaw kasi ni Ogie ang dalawa niyang anak nitong nakaraang Holy Week. Kapuri-puring tatay talaga si Ogie. Kahit may iba na siyang pamilya, he sees to it na may time pa rin siya sa mga anak niya sa kanyang first wife na si Michelle Van Eimeren.

Birthday girl
Angel Locsin turns 30 today. Last Monday (April 21) ang birthday ng boyfriend niyang si Luis Manzano who turned 33. Sa Instagram account ni Angel, may post siya ng picture nila ni Luis kasama ang mga kaibigan nila. Ang caption niya: Happy birthday to the most amazing man ever. I love you soo much@luckymanzano.

Ano naman kaya ang plano ni Luis for his GF’s birthday today?

Siyanga pala, nag-umpisa noong Lunes (April 21) ang auction ng 1970 Chevrolet Chevelle ni Angel. P1 million ang minimum bid pataas. Ang mapagbibilhan nito’y ido-donate ng Kapamilya actress sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Hanggang April 30 ang on-line bidding ng luxury car na ito ni Angel. Ang mga interesadong buyers ay maaaring mag-log on sa http://auction.abs-cbn.com. Register and create your account and click “place bid” for your bids.

For details, visit the auction site or call at 411-4995 for viewing appointment.

Noon at ngayon
Mamaya sa “Powerhouse,” ilalahad ni former Palawan Mayor Edward Haggerdon kay Kara David ang kanyang buhay noon at ngayon. Noong kabataan niya, parati siyang nasasangkot sa bugbugan at barilan sa impluwensiya ng masamang barkada.

Bilang parusa, pinagbakasyon siya ng kanyang mga magulang sa Palawan. Lalo lang napasama ang buhay niya roon. Alamin kung paano nagbagong-buhay ang dating mayor ng Palawan. Tutok lang pagkatapos ng “Saksi” sa GMA7.

comments