Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jessy inaatrasan ng suitors

Jessy inaatrasan ng suitors

Jessy Mendiola

by Rowena Agilada

MAY problema ba kay Jessy Mendiola? Bakit kaya umaatras ang mga manliligaw niya? Naging “item” sila noon ni Matteo Guidicelli at marami ang nag-akalang tuluy-tuloy na ang kanilang romantic relationship.

Isinama pa ni Matteo si Jessy sa Cebu at ipinakilala sa kanyang pamilya. After that, nagkalamigan na ang pagtitinginan nila. Nawalan na sila ng communication sa isa’t isa. Now, si Matteo ang rumored boyfriend ni Sarah Geronimo. Aamin ba naman?

Halos magkasabay nanligaw sina Sam Milby at Jake Cuenca kay Jessy. But then, hindi rin sila nag-pursue at umatras din sila sa panunuyo kay Jessy. Ang dahilan ni Sam, naging busy siya sa kanyang work. Ang babaw naman nu’n. Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan, di ba?

Si Jake naman, panay ang padala ng flowers and food kay Jessy. Effort kung effort si Jake. Pero sumuko rin siya sa panliligaw kay Jessy. Now, isang Fil-Australian ang girlfriend ni Jake named Chanel Olive Thomas. Naka-post pa sa kanilang Instagram account ang kissing photos nila.

Secret love affair?
Wala pang confirmation or denial mula kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa tsikang diumano’y one year na ang itinatagong relasyon nila. Diumano, sinadya ito ng dalawa dahil ayaw raw nilang maintriga ang kanilang relasyon.

Ang press release noon ni Shaina, good friends lang sila ni Piolo. Malalaman din naman ang katotohanan sa namamagitan between them. Kung totoong “sila” na, ibig sabihin, naka-move on na si Shaina sa break-up nila ni John Lloyd Cruz na happy ngayon sa relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Si Piolo naman, after KC Concepcion ay wala pang nabalitang bagong girlfriend. May pahayag si Piolo na gusto niya, bago siya mag-forty years old or kapag forty na siya at saka siya mag-aasawa. Hinihintay na nga ng madlang pipol kung sino ang babaeng pakakasalan ni Piolo.

Bahay muna bago kasal
Ano kaya ang masasabi ni Carla Abellana na nakapagpagawa na ng bahay ang ex-boyfriend niyang si JC Intal na ikakasal na in December this year kay Bianca Gonzalez? Kinarir talaga ni JC na may sarili na silang bahay na titirahan ni Bianca after their wedding.

May regret kaya si Carla na kung hindi sila nag-break ni JC, siya sana ang ititira nito sa nasabing bahay? Nagpahayag noon si Carla na gusto niya ng bahay muna bago sila magpakasal ni Geoff Eigenmann. How true, isa ’yun sa mga dahilan ng falling-out ng dalawa? Wala pa kasing sariling bahay si Geoff.

Naunang nag-artista si Geoff kay Carla, pero naunang nagkaroon ng sariling bahay ang aktres. May naipon na rin naman ang aktor, sapat para makabili ng sarili niyang bahay. Inuna lang kasi ni Geoff ang magnegosyo. Meron siyang spa business kasosyo ang ilang co-actors niya na mina-manage ng PPL (Perry P. Lansigan) Entertainment. Nasa loob ’yun ng isang hotel sa QC. Ewan lang kung patuloy pa rin ang spa business na ’yun ni Geoff o wala na.

Parating nga pala si Geoff today mula sa kanyang US vacation. May regional show kasi siya bukas. Ayon sa kanyang manager na si Perry Lansigan, hindi pa rin magsasalita si Geoff tungkol sa hiwalayan nila ni Carla. Ayaw ni Geoff para hindi na raw lumaki ang isyu.

comments