Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake at Bea, di na away-bati

Jake at Bea, di na away-bati

BEA Binene

by Rowena Agilada

SA Olongapo nag-Holy Week si Jake Vargas with his family. Hindi niya kasama ang girlfriend na si Bea Binene na, ani Jake, ay naiwan sa Manila at nag-visita iglesia. So far, okey ang relasyon nila ni Bea at hindi na sila away-bati, ayon kay Jake.

Nakausap namin siya sa taping ng “Magpakailanman” sa isang bahay sa Scout Fernandez, QC at aniya, request niya sana na sila ni Bea ang magkasama sa episode ng MPK tungkol sa YouTube sensation sweetheart na Jamich. Stage 4 na ang lung cancer ni Jam na gagampanan ni Jake. Si Mich ang high school girlfriend ni Jam na gagampanan naman ni Yassi Pressman.

May taping si Bea ng “Vampire ang Daddy Ko,” kaya hindi siya pwede sa MPK. Si Yassi ang kinuha ng GMA7 na ani Jake, okey lang dahil nagkasama na sila noon sa “Tweenhearts” at magkasama rin sila sa “SAS” (Sunday All Stars).

Jake Vargas

Ani Jake, nagkakilala sila ni Jam sa “Walang Tulugan with the Master Showman.” Wala pa itong sakit noon at nito lang February this year na-diagnose na may lung cancer siya. Ayon kay Jake, naaalala niya ang mommy niya na namatay sa colon cancer. Nakita raw niya ang hirap na pinagdaanan nito, kaya sa pagganap niya sa karakter ni Jam, parang nararamdaman niya ’yung ginawang pakikipaglaban ng mommy niya sa sakit nito. “Marami akong mabibigat na eksena rito (MPK),” ani Jake.

Louise & Enzo

Isyu
Sayang at wala pa si Enzo Pineda noong dumalaw kami kasama ang ilang entertainment press sa taping ng “Magpakailanman.” Sa gabi pa ang call time ni Enzo, kaya hindi na namin nahintay. Siya ang gaganap bilang kapatid ni Jam.

May isyu kay Enzo at gusto sana naming hingan siya ng pahayag kaugnay ng break-up nila ni Louise delos Reyes. Magkaiba kasi ng statements ang mommy ni Louise at ang daddy ni Enzo.

Sabi ng mommy ni Louise sa isang interbyu, si Enzo ang may ibang babae, kaya naghiwalay sila ni Louise. Ayon naman sa daddy ni Enzo, may ebidensiya siyang magpapatunay na may ibang lalaki si Louise. Itinuring pa nilang kapamilya na si Louise.

Sa isang TV interview kay Enzo, sinabi niyang nagmahal lang siya nang totoo. Nakikisawsaw sa break-up nila ni Louise ang mommy ng dalaga and his dad. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Bakit kaya hindi ang mommy ni Enzo ang nagsasalita para sila ng mommy ni Louise ang magparatangan sa kani-kanilang mga anak?

comments