Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tom heartbroken

Tom heartbroken

TOM Rodriguez and Carla Abellana

by Rowena Agilada

HALATANG affected si Tom Rodriguez sa pag-amin niyang break na sila ni K-La Rivera. Tinanong kasi si Tom sa presscon ng “So, It’s You” sa status ng relasyon nila at hindi naitago ang lungkot sa mga mata at mukha ni Tom nang sabihin niyang good friends na lang sila ni K-La. Nawala sa mood ang Kapuso actor at akala nami’y iiyak pa siya. Mukha talagang heartbroken.

Ani Tom, mutual decision nila ni K-La ang mag-break dahil kapuwa sila nahihirapan pagsabayin ang career at love life. “Todo kasi akong magmahal. Focused ako talaga sa love life until dumating ang magagandang opportunities sa career ko. Overwhelming ang mga nangyayari after ‘My Husband’s Lover.’ Hindi pa nga ako sanay na pinagkakaguluhan na ako ngayon,” words to that effect na pahayag ni Tom nang nakausap namin bago siya naupo sa presidential table para sa question-and-answer portion.

Aniya pa, nasa GMA na rin si KLa at parehong may magagandang opportunities na dumarating sa kanila individually. “We both decided na mag-focus muna kami sa respective careers namin,” saad ni Tom.

Nagpaputol din kaya ng buhok?
Si Carla Abellana na leading lady ni Tom sa ‘So It’s You,” break na rin kay Geoff Eigenmann. Pero hindi halatang mending a broken heart ang dalaga. O, maganda lang siya magdala? She stressed, it’s between her and Geoff lang talaga at walang ibang taong involved sa kanilang break-up. “We have two different attitudes, two different dreams, two different goals na hindi nagtutugma,” lahad ni Carla.

Nagpaputol din ba siya ng buhok gaya ng ibang babae kapag may pinagdaraanan? “Oo, nagpaputol din ako ng buhok. Hindi n’yo lang alam. Hindi halata dahil mahaba pa rin, di ba? May shampoo commercial pa kasi ako,” ewan kung seryoso 0 joke lang na sabi ni Carla na hinawi pa ng isang kamay niya ang kanyang buhok. Naka-hair extension lang kaya siya?

Posible kayang magkabalikan pa rin sila ni Geoff? “I don’t see it working now. But I’m not closing my heart and doors. Iga-guide ni Lord kung saan dapat. We’ll see,” ani Carla.

May kilig factor
Timing sa promotion ng “So It’s You” ang hiwalayan nina Carla at Geoff, Tom at K-La, kaya hindi maiwasang isiping bahagi lang ‘yun ng promo. Pero ayon kay Mother Lily Monteverde, hindi gimmick ‘yun. Pinakiusapan pa nga niya ang entertainment press na huwag magtanong tungkol sa break-up. “Past is past. Move on na lang,” wika ng Regal Matriarch.

Pero sutil talaga ang press at naisingit pa rin ang tanong tungkol sa hiwalayan issue. Sumagot naman sina Carla at Tom, kaya wala nang nagawa si Mother Lily. Umapela na lang siya sa press na suportahan sa pamamagitan ng write-ups ang “So It’s You.” Romcom (romance-comedy) ito na dinirek ni Jun Lana.

Maganda at ‘kaaliw ang trailer na ipinakita noong presscon. May kilig factor at malakas ang screen chemistry nina Tom at Carla.

Ayon kay direk Jun, maraming kilig moments sina Tom at Carla. Maraming nakaka-in love na eksena na pareho raw bigay-todo sina Tom at Carla. Hindi raw iisiping parehong may pinagdaraanan sa kani-kanilang love life that time na sinu-shoot nila ang SIY. Showing ito on May 7 at kasama rin sa cast sina JC de Vera, Kevin Santos, Bangs Garcia, Joey Marquez, Paolo Ballesteros at Arlene Muhlach.

comments