Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Botong-boto kay Nadine

Botong-boto kay Nadine

Julie San Jose and Nadine Samonte

by Rowena Agilada

KASAMA ni Nadine Samonte ang boyfriend niyang si Richard Chua sa presscon ng “One of the Boys.” Anak ng aktres na si Isabel Rivas si Richard at nagtatrabaho ito sa Immigration sa NAIA (Terminal 1).

Bago ang question-and-answer portion, nakausap namin sina Richard at Nadine. Suot ni Nadine ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Richard na ayon sa huli’y sa mommy Isabel niya ’yun. Botong-boto si Isabel kay Nadine, kaya ibinigay niya ang kanyang singsing para maging engagement ring ni Nadine. Mommy na nga ang tawag ni Nadine kay Isabel.

Soon or early next year ang Christian wedding nila ni Nadine, ayon kay Richard. Mag-e-expire this June ang kontrata ni Nadine sa TV5 at hindi masabi ng dalaga kung magre-renew siya o magpapakasal na lang siya kay Richard.

More than a year na ang kanilang relasyon. Si Isabel ang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa. Nagkasama sa isang TV show sina Isabel at Nadine.

Matapos silang magkakilala, nagyaya agad ng date si Richard. Isang linggong pag-ibig ang kanilang istorya at agad-agad naging “sila.” Kung gusto pang ipagpatuloy ni Nadine ang pag-aartista kapag kasal na sila, walang tutol si Richard. Okey sa kanyang may kissing scene si Nadine, huwag lang bed scene.

Sa “One of the Boys,” hindi isyu kay Nadine kung kontrabida role siya. Iba naman ang pag-atake niya na may halong comedy. First sitcom ito ni Nadine, kaya tinanggap niya ang project. “Nag-e-enjoy ako. Masaya sa set. Parang naglalaro lang kami,” ani Nadine.

Mamayang gabi na mapapanood ang “One of the Boys” sa TV5 at 9 pm.

New endorser
Si Julie Anne San Jose ang bagong endorser ng Careline cosmetics ng Ever Bilena. Kabilang dito ang lipstick, oil control face powder at BB cream. May bago rin itong tagline, “Be pretty, go Careline!” May bago ring TVC na si Julie Anne ang kumanta ng commercial jingle na “It’s My Time” na kinanta niya noong contract-signing niya cum presscon.

“I’m happy na maging bahagi ng Careline cosmetics. Wala pa ako sa showbiz, ginagamit ko na ito,” sambit ni Julie Anne.

Past endorsers ng Careline cosmetics sina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo at Erich Gonzales.

Sa presscon, naitanong kay Julie Anne kung ano’ng birthday gift niya sa dati niyang ka-love team na si Elmo Magalona who turned 20 on April 27. “Wala pa (laughs). Binati ko naman siya sa backstage noong nagkita kami sa SAS (“Sunday All Stars”). Friends pa rin kami at walang problema sa akin kung magkakatrabaho kami uli sa isang project,” she said.

Mag-e-expire na ang kontrata niya sa GMA7 at may tsikang lilipat siya sa ABS-CBN. “Let’s see na lang,” padudang sambit ni Julie Anne.

Challenge
Wagi sa rating last week ang episode ng “Magpakailanman” na “The Christopher ‘Nognog’ Aguinaldo Story: Siga Noon, Beki Na Ngayon” na tinampukan ni Kristoffer Martin.

Sa National Urban Philippines, sa household rating, nakapagtala ito ng 23.9% vs. “Maalaala Mo Kaya” (22.7%). Sa Urban Luzon, 27% ang MPK vs. MMK (20.6%) at sa Mega Manila, 28.9% (MPK) vs. MMK (18%).

Malaking challenge at pressure kay Jake Vargas kung malalampasan niya ang rating ng episode na tinampukan ni Kristoffer Martin.

Ngayong Sabado, tampok si Jake sa “The Jamich Love Story: One Last Chance” with Yassi Pressman. Ilalahad ang love story nina Jam at Mich, ang pagkalulong sa sugal ni Jam na parati siyang tambay sa casino, hanggang na-diagnose na may lung cancer siya.

Alamin kung paano hinaharap nina Jam at Mich ang mga pagsubok at hamon sa kanilang relasyon.Tampok din sina Enzo Pineda, Ces Quesada, Frances Makil at Froilan Sales. Sa direksiyon ni Jun Lana. MPK airs after “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.

comments