Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bettina, bagong love ni Raymart?

Bettina, bagong love ni Raymart?

Raymart Santiago

by Rowena Agilada

SAYANG at wala si Raymart Santiago noong dumalaw kami kasama ang ilang entertainment writers sa taping ng “Villa Quintana” sa Baliuag, Bulacan. Wala kasi itong taping, ayon sa isang production staff.

Itatanong sana namin kay Raymart ang isyu tungkol sa kanila ni Bettina Carlos. Magkasama sila sa “Villa Quintana” and from the grapevine, tila may namumuong “something” sa kanila. Diumano, nagkahulugan sila ng loob dahil sweet daw si Bettina at parating may dalang food sa set na siya mismo ang nagluluto. The way to a man’s heart is through his stomach, di ba naman?

May restaurant noon si Bettina sa Timog Avenue, QC na kung tama kami, Marina ang pangalan. May ginawang teleserye noon si Claudine Barretto na “Marina” ang pamagat.
Matagal nang hiwalay sina Raymart at Claudine. Hindi natin masisisi ang aktor kung muling tumibok ang kanyang puso para sa ibang babae. Ang tanong, si Bettina nga kaya ang bagong love of his life?

Aminin kaya o i-deny ito nina Raymart at Bettina? Single mom si Bettina sa kanyang five- (or six?) year-old daughter.

ELMO Magalona and Janine Gutierrez

Single dad pa rin
Hindi pa naipapakilala ni Janine Gutierrez sa kanyang Mama Guy (Nora Aunor) si Elmo Magalona. Aniya, ayaw patawag na lola si Nora. Mamita naman ang tawag ni Janine sa kanyang lola Pilita Corrales (mother ng kanyang Papa Ramon Christopher Gutierrez).

Si Janine ay naipakilala na ni Elmo sa kanyang pamilya. Kasama siya noong birthday dinner ni Elmo with his family. Nakilala na rin nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon si Elmo.

Sabi nga pala ni Janine noong nakausap namin siya sa taping ng “Villa Quintana,” walang girlfriend ang kanyang Papa Ramon Christopher. He’s single since naghiwalay sila ni Lotlot. May boyfriend na ang huli na isang foreigner. Ayon kay Janine, hindi niya nakikitang stepdad niya ito sakaling magpakasal ito and her mom. Ani Janine, nag-iisa lang ang kinikilala niyang ama, ang kanyang Papa Monching. Tama!

Julie Anne San Jose

Tomboy raw?
Hindi isyu kay Julie Anne San Jose kung mas tinanggap ang love team nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Aniya, she’s happy for them. At walang problema kung magkakatrabaho silang tatlo sa isang project ng GMA7. Nagkikita sila sa “SAS” (Sunday All Stars) at nagbabatian naman sila, ayon kay Julie Anne.

Mukha lang bitter-bitteran si Julie Anne noong nabanggit sa kanya si Alden Richards. Muling “binuhay” ng entertainment press ang isyu sa kanila noong contract-signing ni Julie Anne cum launching niya bilang bagong endorser ng Careline cosmetics ng Ever Bilena.

Hindi nasagot ni Julie Anne ang tanong kung totoo bang nanligaw sa kanya noon si Alden. Ito na lang daw ang tanungin. May tsika kasing diumano’y pinaasa lang ni Alden si Julie Anne. Kumbaga sa larong chess, “pinadama” lang ng Kapuso actor si Julie Anne. Noong nahuhulog (o hulog) na ang loob nito sa kanya, he dropped her like a hot potato. How true kaya?

Sa lesbian issue naman, itinanggi ni Julie Anne na tomboy siya. Aware raw siya sa intrigang ’yun about her. “Hindi ako tomboy. Porke ba wala akong boyfriend, ibig sabihin tomboy na ako? Girl na girl ako,” pagdidiin ni Julie Anne. Aniya, may mga nanliligaw, pero hanggang friends lang dahil hindi niya priority ang magka-BF. Afraid siyang baka madiskaril ang kanyang career.

comments