Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rommel di nanood ng concert ni Daniel

Rommel di nanood ng concert ni Daniel

ROMMEL Padilla

by Rowena Agilada

HINDI nanood si Rommel Padilla ng concert ng anak niyang si Daniel Padilla. Ipinamigay niya na lang ang mga complimentary and paid tickets niya sa kanyang mga kapatid at ibang kamag-anak. Si Robin Padilla ang naging representative ni Rommel.

Naka-confine kasi ang kanilang mommy Eva Carino-Padilla sa Philippine Heart Center at si Rommel ang nagbabantay. Naipangako kasi niya kay mommy Eva na siya ang magbabantay.

Hati ang Padilla clan nang gabing ‘yun. Ang mga batang Padilla ay nanood ng concert ni Daniel at ’yung mga nakakatanda naman ay nasa burol ng pinsan nilang si Marie Fernandez, younger sister ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Sa pagkakataong ’yun, ipinakita ng Padilla clan ang dalawang mukha ng showbiz… isang masaya dahil sa tagumpay ng concert ni Daniel at isang malungkot dahil sa pagpanaw ng isa nilang kamag-anak.

DONITA Rose

Balik-TV
Balik-TV si Donita Rose at kasama siya sa bagong morning show ng GMA7, “Basta Everyday Happy (BEH),” with Chef Boy Logro, Gladys Reyes, and Alessandra de Rossi. Naka-base na si Donita and her family sa United States at bumalik siya sa Pilipinas para lang sa naturang morning show.

Aniya, na-miss niya ang paglabas sa TV, kaya nang alukin siya ng GMA para maging bahagi ng BEH, hindi na siya nagdalawang-isip pa. Naintindihan naman ng husband niyang hindi pa rin niya lubusang matalikuran ang showbiz, kaya pinayagan siya nito. Supportive ever ang better-half ni Donita sa kanyang showbiz career.

“Hindi naman ito basta cooking show or just an ordinary morning show,” ani Donita. “It’s about everything happy. I’m excited, kasi out of the box ang concept. It’s something new. This show will teach us na kahit marami tayong pinagdaraanang pagsubok sa buhay, if you think positive everyday, siguradong magiging happy.”

Thankful naman si Gladys sa GMA na isinama siya sa BEH. Aniya, maliban sa acting, love niya rin ang hosting dahil madaldal siya. First time naman ni Alessandra sasabak sa hosting, kaya excited siya. Si Chef Boy, bukod sa pagbabahagi ng culinary skills niya at extraordinary recipes ay magpapamalas din ng galing sa pagsayaw at pagpapatawa. BEH premieres on May 12 at 11 am.

Basted
Niligawan ng isang hunk actor (HA) ang isang young actress (YA) na nakatrabaho nito sa isang teleserye. Sweet-sweet-an pa sila noon kaya marami ang nag-akalang si HA ang ipinalit ni YA sa kanyang non-showbiz ex-boyfriend.

They dated for a couple of times. Pero binasted ni YA si HA dahil nalaman niyang may asawa pala ito. Since then, iniwasan na ni YA si HA hanggang nakilala niya ang isang non-showbiz guy. Certified bachelor ito, may high-paying job at may business pa. Whirlwind courtship ang nangyari at na-in love agad si YA.

Almost a year na ang kanilang relasyon at nagpaplano na silang magpakasal next year.

Si HA naman ay may non-showbiz girlfriend. Knows kaya nitong may asawa si HA? ’Heard, inaayos na ni HA ang annulment ng kasal nila ng kanyang non-showbiz wife.

comments