Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kontra sa Vic-Pauleen romance

Kontra sa Vic-Pauleen romance

Tom Rodriguez, Carla Abellana and Heart Evangelista

by Rowena Agilada

AGAD nag-react si Heart Evangelista nang sabihin ni Joey de Leon sa “Startalk” na ayaw niya ng beach wedding. Madali raw kasing ma-wash out ’yun. “Kinakalaban mo si Echo (Jericho Rosales), kakakasal lang nun,” words to that effect na sabi ni Heart.

Tinanong kasi ni JDL sina Carla Abellana at Tom Rodriguez kung beach or church wedding ang gusto nila. Parehong church ang isinagot ng dalawa dahil anila, pareho silang Roman Catholic. Nag-promote sina Carla at Tom ng “So It’s You” na opening day ngayon sa mga sinehan nationwide. Joke pa ni JDL, kung magkakatuluyan sina Carla at Tom, magandang itawag sa kanila ay CarTom. Pwede!

Nang tanungin ni JDL kung posible kayang magkadebelopan sila, pakilig ang sagot ni Carla. Aniya, pwede dahil nothing is impossible. Nang tanungin naman ni JDL si Tom kung single ba rin siya tulad ni Carla (kabi-break lang nila ni Geoff Eigenmann) at yes or no lang ang isasagot niya, natigilan si Tom. Aniya, respeto na lang sa taong involved dahil he wants to keep it private na lang.

Eh, noong presscon ng “So It’s You,” sinabi ni Tom na friends na lang sila ni K-La Rivera. Lungkut-lungkutan pa nga siya. Bakit kaya on national TV ay hindi diretsong sumagot si Tom sa totoong status niya? Yes or no lang naman ang hinihinging sagot ni JDL. Anyway, bagay sina Carla at Tom, di ba?

Greatest love
Going back to Heart Evangelista, mukha namang happy siya for Jericho Rosales and his wife Kim Jones. Naalala lang namin ’yung past interview namin kay Heart nung sabihin niyang si Jericho ang greatest love niya.

Hindi nga lang daw talaga sila pwedeng magkatuluyan dahil hindi boto ang parents niya kay Jericho. Pina-background check pa nga raw ng mga ito si Jericho that time na together pa sila.

Hindi namin makalimutan ang lungkot at panghihinayang sa mukha ni Heart habang kausap namin siya noon sa taping ng isang teleserye niya sa GMA7. That time, may namumuo nang “something” between her and Daniel Matsunaga.

But now, mukhang natagpuan na ni Heart si Mr. Right. Sinasabi niya sa mga interview sa kanya na she’s never been happier with Senator Chiz Escudero. He’s the one na talaga, ang gusto niyang makasama for the rest of her life kahit tutol pa ang parents niya sa relasyon nila ni Sen. Chiz.

Sa isang TV interview sa senador, sinabi niyang may inaayos pa lang siya sa estado ng buhay niya at gusto na niyang pakasalan si Heart. Hindi kaya late this year or early next year ay maging legal wife na niya si Heart?

Wala pang katiyakan
Tahimik lang ang mag-inang Coney Reyes at Vico (anak ni Coney kay Vic Sotto) sa relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Never nakisawsaw ang mag-ina sa iba pang babaeng nakarelasyon ni Vic. Wala lang! Deadma lang sila.

Ang isa pang ex-girlfriend ni Vic na si Angela Luz na ina naman ng anak niyang si Paulina, kontra sa relasyon nina Vic at Pauleen. Sa Instagram account ni Angela, may mga hindi magagandang komento siya. Nakakapagtaka na bakit ngayon lang nag-react si Angela? Tahimik lang siya dati sa ibang babaeng nakarelasyon ni Vic. Wala tayong narinig sa kanya noong si Pia Guanio pa ang karelasyon ni Vic.

Bakit kaya ganoon na lang ang pagtutol ni Angela kay Pauleen Luna? Dahil kaya sa age gap nina Vic at Pauleen? We hate to think na bitter-bitteran si Angela. Eh, matagal na silang walang relasyon ni Vic.

Sana lang, huwag umasa sa wala si Pauleen. Wala pa rin kasing katiyakan kung pakakasalan nga siya ni Vic. Narinig na kasi namin noon kay Vic ang pahayag niyang, “Darating din tayo diyan. Saan pa ba papunta kungdi du’n?” kapag tinatanong siya kung kailan siya magpapakasal. Nakailang girlfriends na si Vic, pero wala pa siyang pinapakasalan. So it’s you na kaya, Pauleen?

comments