Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » KC, di tinantanan ni Paulo

KC, di tinantanan ni Paulo

KC Concepcion and Paulo Avelino

by Rowena Agilada

TANGGAP na raw at welcome kay Manila Mayor Joseph Estrada ang bago niyang apo na si Isaiah Joseph. Anak ito ng anak niyang si Jerika, courtesy of Bernard Palanca. Ang former actress na si Laarni Enriquez ang mother ni Jerika. Dumalaw ito sa hospital noong nanganak si Jerika. Si Mayor Erap, hindi pa raw nakikita ang bagong apo.

Cute at pogi ang baby na ipinangalan pa sa kanya. Eh, si Bernard, tanggap din kaya ni Mayor Erap for his daughter? Nag-e-effort kaya si Bernard na mapalapit sa pamilya Estrada/Ejercito? What about Andi Eigenmann, tanggap din kaya siya ni Mayor Erap for his son Jake?

Effort kung effort
Pinasaya na naman ni Paulo Avelino si KC Concepcion. Effort kung effort talaga ang binatang ama to win her heart. Sa Instagram account ni KC, nai-post niya ang pictures ng mga Japanese masks na ipinadala sa kanya ni Paulo.

Caption ni KC: “Paulo Avelino knows the little things that I want or need. Not everyone knows the little things that make me happy! Thank you for taking time to send these to me burrrty. You made me smile again. Pinakyaw mo na kasi lahat. Ha ha!

“Japanese masks to avoid breathing in dry air while traveling in the plane. Most of the time, the simplest things are the best!!! Sana you liked my gift. Uyyy, haha! HAPPY BIRTHDAY.” Ano kayang birthday gift ni KC kay Paulo?

Sa isang interbyu kay KC , sinabi niyang hindi pa “sila” ni Paulo. Sa pag-e-effort na ginagawa ni Paulo, mukhang malaki ang pag-asa niya. Go! Go! lang guy.

Batang ama
Isang sensitibong paksa ang matutunghayan ngayong Sabado sa “Magpakailanman.” Sa episode na pinamagatang “Tatay na si Totoy, Nanay na si Nene: The Momoy and Rina Story,” tampok si Ruru Madrid na gaga nap bilang isang batang ama. Sa edad na 12 ay nakabuntis siya ng isang 14-year old girl (Ashley Nordstrom). Alamin kung paano nila hinarap ang mga pagsubok sa buhay bilang mga batang magulang.

Tampok din sina Raymond Bagatsing, Melissa de Leon, Ryza Cenon at Nicole Dullalia. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.

Kapuso na uli?
Nasundan ang guesting ni Rainier Castillo sa “Basta Every Day Happy” kung saan nag-reunion ang “Starstruck” Batch 1. Reunited naman sila ni Sheena Halina sa isang episode ng “Celebrity Bluff.” Nag-taping na sila at nai-post ni Sheena sa kanyang Instagram account ang picture na magkasama sila ng kanyang ex-boyfriend. Caption ni Sheena: “Welcome back wisheart! Abangan n’yo po kami sa Celebrity Bluff.”

Sana, hudyat na ng pagbabalik sa GMA ni Rainier ang mga guesting niya sa Kapuso Network.

Duda
Mamaya sa “Rhocfora X,” duda si Roxanne na anak nina Angela at Martin si JennajPrincess. Kokomprontahin niya si Angela. Tinawag niyang Jenna si Princess.

Sa harap nina Joaquin at Rhocfora, si Angela ang kinikilalang mommy ni JennajPrincess.

comments